Malambot sa mga obispo

ANG sabi ng mga onorabol diyan sa Senado, buong respeto nilang  tatratuhin ang mga Obispo sa pagdinig ukol sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi magbibitiw ng mga salita na maaaring magtulak sa mga obis-po na  magbigti sa krus?
Naalaala kasi natin ang isang heneral na nagbaril sa ulo makaraang barahin siya sa

Senado sa isang pagdinig sa iskam sa pasalu-bong at pabaon sa militar.

oOo

Marami tuloy ang nagtataas ng kilay kung tama o hindi ang gagawin ng mga senador na magiging kakaiba ang pagtrato nila sa mga namamalimos ng sasakyan at salapi.

Unfair ang mga senador?

Ewan natin.

Pero kakaiba kasing nilalang ang mga obispong ito.

Una, senior citizen na ang mga ito, kahit magtanong pa kayo kay Manong Johnny.

Ikalawa, hindi pa sila naisasalang sa imbestigasyon, eh, umaamin na sila saka nagsasabing isasauli nila ang naibigay sa kanila.

Ikatlo, opisyal ang mga ito ng Vatican na kapantay ng Pilipinas bilang estado.

Ika-apat siguro, konti lang ang napunta sa kamay ng mga obispong ito kumpara sa P325 milyong intelligence fund at multi-bilyong mga transaksyon na binabalasubas ng mga taga-PCSO at Malakanyang.

Ikalima, nag-public apology na sila at humihingi sila ng patawad at pang-unawa.

Eh sino naman ang hindi makararamdam ng pag-unawa rito?

oOo

Kumpara naman sa mga onorabol sa gobyerno na isinasalang sa imbestigasyon, may mga sakit na kalimot.

Yung iba, gagamit ng Executive Order 464 para siperan ang sarili nilang bunganga.

May nagdadala naman ng rosaryo na ang tanging maidarasal diyan ay “I invoke my right against self-incrimination.”

Yung iba naman, bobolahin ka hanggang sa mandamay ang mga ito ng iba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply