MALAMIG NA LANGIT (Ika-86 labas)

“SA April 17 ko pabibinyagan ang anak ko. Papatak sa araw ng Linggo ang date na iyon!” maya-maya’y sagot niya.

“Itatawag ko iyan kay Romano. Gusto niyang dumalo sa pabinyag sa inyong anak,” sabi ni Donna.

Iningusan ni Almira ang kaibigan.

“Parang ang lakas sa iyo ng gagong iyon. Baka mamaya, kayo na ang magkatuluyan!” sarcastic na niyang sabi.

Ang lakas ng tawa ni Donna.

“Hindi ako marunong tumalo ng kaibigan. Ginagawa ko lang ito para kay Junior,” sabi ng una.

Hindi na umimik si Almira.

Nang ipasok na ng una ang anak sa kuwarto, dinampot ni Donna ang nakapatong na telepono.

Tinawagan niya ang cellphone ni Romano.

Nasa biyahe pa ang una.

“Okey kay Almira na gamitin ang suhestiyon mong pangalan sa pagpapabinyag sa baby ninyo. At sa April 17 ito gaganapin,” sabi niya sa lalaki.

“Salamat sa iyo, Donna. Sabihin mo sa kanya, sagot ko ang gastos sa binyag,” tuwang-tuwang sagot naman ni Romano.

Natapos ang kanilang pag-uusap.

TIGAS na kuwento ni Romano kay Louie nang pumasok kinabukasan sa ospital.

“Lalaki ang anak ko, pare. At ang cute. Kamukhang-kamukha ko,” proud na sabi ng una sa kaibigan.

“Nagkita kayo ni Almira?”

“Hindi! Bago ako dumating sa house na tinutuluyan niya, umalis siya. Iniiwasan ako, pare,” sagot ni Romano.

Napailing-iling si Louie.

“Hanggang ngayon, galit pa rin pala siya sa iyo dahil sa pagkamatay ni Randy. Pero mali siya. Tinangka mong sagipin ang buhay niya pero ano ang iyong magagawa kung hanggang doon na lang siya talaga?” sabi ng una.

“Wala na sa akin iyon, pare. Ang importante, pumayag siya na ipagamit ang name ko at apelyido sa binyag ng baby namin,” masayang sagot ni Romano.

“Paano mo nalaman? Kasasabi mo lang na hindi kayo nagkita at nagkausap!”

“Itinawag sa akin ng kaibigan niya na si Donna. At sa April 17 na ang pabinyag sa aming anak at libre akong dumalo!”

Napangiti si Louie.

“Malakas ang kutob ng loob ko na muli kayong magkakabalikan ni Almira, pare!” sabi ng una.

Hindi umimik si Romano.

Nakatingin lang sa kaibigan.

“Kung pumayag siya na dumalo ka sa binyag at gamitin ng bata ang pangalan mo at apelyido, ano na ang susunod? Magkakabati na kayong dalawa para mabuo na ang inyong pamilya!” patuloy ni Louie.

“Sana’y magdilang anghel ka, pare!” nakangiting sagot ni Romano.

GABI ng April 16 ay bumiyahe na ang siruhano patungong Dagupan.

This time ay kasama niya ang kaibigang si Louie para mag-ninong sa kanyang anak kinabukasan.

Dumating sila sa bahay ni Donna early in the morning.

Tulog pa ang mga tao sa loob …

Si Almira ang unang nagising kaya siya ang nagbukas ng pintuan.

Maasim ang mukha na pinatuloy niya ang magkaibigan.

Siniko ni Louie si Romano.

“Parang galit, pare!” anas ng una sa huli.

“Hayaan mo siya, pare. Tiyagaan ang labanan ngayon, pare,” nakangisngis niyang sabi.

Pero gulat ang dalawa dahil iginawa sila ng kape ni Almira.

“Thank you!” nakangiting sabi ni Romano.

Ni hindi ngumiti at tumingin sa kanya ang babae.

Pumasok ito sa kuwarto at ginising si Donna.

Masayang inasikaso sila ng una.

“Mabuti at maaga kayo. Kung napatanghali kayo, bago natrapik kayo at naiwan kayo ng binyagan,” sabi ni Donna. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply