MALAMIG NA LANGIT (Ika-87 labas)

NAGLUTO ng almusal si Donna.

Nang biglang umiyak ang bata sa loob ng kuwarto ni Almira.

Kahit ano’ng gawing paghehele ng ina, hindi niya ito mapatahan.

Napilitang ilabas ni Almira ang bata …

Kinuha ni Donna ang bata at siya naman ang naghele pero hindi niya mapatahan sa pag-iyak.

Nagprisinta si Romano na siya ang mag-aalaga sa anak …

Iniabot ni Donna sa ama ang bata.

Bigla itong tumigil sa pag-iyak.

“Sa ama pala gusto,” natatawang sabi ni Donna. “Dapat sigurong magkasundo na kayo ni Almira alang-alang sa bata.”

Biglang tumalikod ang babae at nagtungo sa kusina.

Siya ang nagpatuloy sa pagluluto ni Donna.

Natatawang iningusan siya ng una.

“Umaarte lang iyan. Kulang lang iyan sa romansa at papayag na muli kayong magkabalikang dalawa,” sabi ni Donna kay Romano.

Ngumiti ang lalaki pero hindi nagsalita.

Medyo mahirap para sa kanya ang sinabi ng babae.

Paano niya roromansahin si Almira ay hindi na ulit gumagana ang kanyang pagkalalaki?
Parang nagbalik ang dating karamdaman pero wala na naman siyang nararamdamang paghahanap ng kaligayahan sa isang patay.

Nang makatapos magluto si Almira, inaya na ni Donna sina Romano at Louie na mag-almusal.

Hindi sumabay sa kanya ang una.

Kinuha niya ang anak kay Romano.

Maliligo raw muna sila bago siya kumain.

“Hayaan ninyo siya! Muubos din ang arte niya,” nakangiting sabi ni Donna sa dalawang lalaki.

Nang matapos silang mag-almusal, tapos nang maligo si Almira.

Si Donna naman ang naligo.

Makalipas ang ilang oras, may ninong at ninang na dumating sa bahay.

Sa kanila na raw sasabay patungo sa simbahan.

‘Yung iba sa kanila, sa simbahan na lang daw maghihintay.

Nakilala nila si Romano bilang ama ng pabibinyagan.

“Pambihira ka, mare. Ang guwapo at macho pala ng mister mo pero hindi mo ipinakikilala sa akin,” nakangiting sabi ng Mareng Celia niya kay Almira.

“Excuse me, ha! Hindi ko siya mister!” nakairap na sagot ng babae.

“Pero siya ang ama ng anak mo, hindi ba?” nakamaang na tanong ng kumare to be.

“Tama! Pero hindi ko siya asawa. Na-ano lang niya ako!”

Biglang sumabad sa usapan si Donna.

“Ano ka ba, Almira? Hindi na kailangang sabihin mo na hindi kayo mag-asawa ni Romano!” aniya.

“Nagsasabi lang ako nang totoo!” sagot naman ng kaibigan.

“Huwag na ninyong pagtalunan iyan. Ang intindihin na lang natin ay ang binyagan!” sabada ng siruhano sa usapan ng magkaibigan.

Bandang 10:00am nang lumakad sila patungo sa simbahan.

Kasama ng mag-ina sa kotse si Donna.

Sa SUV naman ni Romano sumakay ang isang pares ng ninong at ninang.

Pagdating nila sa simbahan, naghihintay dito ang dalawa pang ninang at isang ninong to be.

Bale tatlong pairs sila.

May misa pa kaya hinintay muna nila itong matapos bago ang baptismal.

Hindi nagtagal at nagsimula na ang binyagan.

Hiniling ng pari na magtabi ang mga magulang ng bibinyagan.

Napilitang tumabi ni Romano kay Almira at hindi naman nakatutol ang babae.

Nakatingin kasi sa kanila ang pari.

Nagtuloy-tuloy ang baptismal hanggang sa matapos.

Picture taking na ang kasunod. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply