MALAMIG NA LANGIT (Wakas)

NAGTIYAGA si Almira na dakutin ang suka ni Romano sa sahig upang hindi sila mangamoy.

Matapos ito, pinunasan niya ito ng hot towel sa mukha, leeg at dibdib.

Nang bigla siyang yakapin ng lalaki.

Nagkadikit ang kanilang mga katawan.

“R-Romano, ano ba?” reklamo ni Almira habang nagpapalag.

Pero lalo lamang humigpit ang yakap sa kanya ng lalaki.

“M-Mahal kita, Almira …. kailangan kita,” nakapikit ang mga mata na sabi ni Romano.

Ang init ng katawan ng lalaki … nakakapaso …

At sobrang likot ng mga kamay nito …

Kung saan-saang parte ng katawan ni Almira nakakarating.

Hanggang sa naramdaman na lang ng babae na nahuhubaran siya …

Maya’y natanggal ang strap ng kanyang bra at nahila pababa ang kanyang panty.

Nagtataka si Almira …

Lasing si Romano pero alam ang ginagawa …

Ang laki ng kaibahan ng babae kay Charlene …

Kaya nagawang iwan ng huli ang lalaki, dahil nagmistula na siyang impotent.

Mistulang patay na bulkan ang damdamin sa kanya ni Romano.

Ayaw nang gumana ang sex drive kaya wala nang aksiyon ang pambulog.

Pero iba si Almira palibhasa’y siya ang nagpagaling sa lalaki sa sakit na necrophilia.

Napadikit lang ito sa babae, karakang nagising ang manoy niya.

Tirik na tirik at handang magsumiksik sa masikip na pintuan ng langit sa pagitan ng mga hita ni Almira.

Sabi ng isip ng babae, ayaw niya sa planong gawin ni Romano …

Pero komontra ang katawan ng babae sa idinidikta ng kanyang isipan.

Kusa pa ngang naghiwalay ang kanyang mga hita para bigyang daan ang paglulunoy ng monster bird ni Romano sa munting lagoon ng kaligayahan.

Hindi na kayang mag-inarte pa ni Almira.

Hindi na niya kayang itago na mahal pa rin niya ang ama ng kanyang anak.

Kaya muli niyang tinanggap nang buong puso at kaluluwa saka malayang pinapasok deep inside her.

Mahaba at matagal silang nagtampisaw sa pool of happiness.

Hanggang sa dumating ang umaga …

Alas-8:00 ng umaga nang bumangon si Donna at lumabas ng silid.

Pupunta siya ng kitchen para maghanda ng almusal.

Nagulat siya pagpasok sa loob …

Gising na sina Almira at Romano …

At nakita niyang sinisilbihan ng kaibigan ng mainit na kape ang huli.

Tumikhim siya bago pumasok ng kusina.

“Good morning,” nakangiting bati ni Donna sa dalawa.

Nakangiti na panabay na tumingin sa kanya sina Almira at Romano.

“Meron yatang nangyari kagabi na hindi ko alam. Baka gusto ninyo akong kuwentuhan,” sabi ng una.

“Nag-usap kami kagabi at naisip naming kailangan nang mabuo ang aming pamilya alang-alang sa aming anak.” Si Romano ang nagsalita.

“That’s good news. I’m so happy to hear that!” masayang sabi ni Donna. “So, what’s next?”

“Magpapakasal na kaming dalawa!” sabi naman ni Almira.

Parang bata na napapalakpak sa tuwa si Donna.

“Marami ang matutuwa sa plano ninyong iyan,”kilig na sabi ng una.

“Pero may sad news din kami para sa iyo,” sabi naman ni Romano.

“A-Ano naman iyon?” salubong ang mga kilay na tanong ni Donna.

“Maiiwan kang mag-isa rito kapag isinama ko ang aking mag-ina sa Maynila!”

“Okey lang. I can take care of myself. Ang importante, kayo pa rin ang magkasama sa final. Masaya ako na makita kayong maligaya,” sagot naman ng una.

Napaluha si Almira.

“You’re the greatest and wondeful friend I’ve ever meet. Hindi kita makakalimutan,” sabi niya kay Donna.

“Don’t mention it! Ipagpasalamat na lang natin na maganda ang naging ending ng inyong love story. There will be no cold nights I think!” sagot naman ni Donna.
At masayang nagyakap ang magkaibigan habang nakangiting nakatingin si Romano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply