Malaysia bukas sa OFWs na apektado ng Saudization

HINIKAYAT ng pamahalaan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagmula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na uuwi sa bansa mula sa Kingdom of Saudi Arabia na magtrabaho sa mga pribadong kumpanya sa rehiyon o pumunta sa Malaysia, na bukas para sa mga Filipinong manggagawa.

Aminado si Myra Alih, regional secretary ng Department of Labor ang Employment (Dole) sa ARMM, na kakaunti ang mga pribadong paggawaan sa rehiyon pero bukas ang Malaysia para sa pagpasok ng mga manggagawa mula sa rehiyon.

Iniulat ni Alih na umaabot sa 8,000 OFW mula sa ARMM ang pinangangambahang maapektuhan ng Saudization program na Nitaqat ng Saudi Arabia.

Ang Nitaqat Program na nagkabisa noong Hunyo 11, 2011 at magpapatuloy hanggang Setyembre 11, 2011 ay naglalayong lumikha ng karagdagang trabaho sa mga pribadong kumpanya laan para sa mga mamamayan ng Saudi Arabia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply