Maliit daw ang ari ng politician kaya nilayasan ng asawa

YAN pala ang kumakalat na dahilan kung bakit iniwan ng isang di-gaanong kilalang singer ang mister n’yang isang top politician.

Katawa-tawa naman na dahilan yon para iwan ni misis si mister. Pwede kayang panteleserye yon? Teleseryeng for adults only, pang-midnight baga!

May aktor naman kayang pumayag na gumanap na pinindehong mister dahil maliit ang kanyang ari? Alam nating marami ng aktor ang gumanap na bading o boyfriend ng bading–with matching sex scenes pa! Alam din natin na marami ng aktor ang gumanap na pinindehong mister o boyfriend, pero wala pa tayong nabalitaang aktor na gumanap na pinindehong boyfriend o mister dahil sa kaliitan ng kanyang ari.

Actually, kung wala pang teleserye tungkol sa misis na sumama sa ibang lalake dahil naliliitan siya sa ari ni mister, wala pa rin kaming nababalitaang indie film na ganu’n ang tema.

Baka naman kasi wala namang babaing Pinay na nang-iwan ng mister o boyfriend n’ya dahil maliit ang ari nito. May mga girlfriend at misis ngang di iniiwan ang mister nila kahit binubugbog sila, yon pa kayang maliit lang ang ari? Marami naman kasing paraan to make up for a man’s inadequate sex organ!

Ergo, hindi kami naniniwala na iniwan ng singer na yon ang mister n’yang top politician dahil maliit ang ari nito. Tiyak na may mas malalalim at mas matitinding dahilan kaya sumama si Mrs. Top Politician sa ex-boyfriend n’ya! Sa ex-boyfriend n’ya na ex-TV and concert dancer.

***

TIPONG artista pala yung kauna-unahang Malaysian at Southeast Asian astronaut na si Dr. Sheikh Muszaphar Shukor. Sabi nga nung teacher na nakatabi namin sa FEU Auditorium, kamukha daw ni Cesar Montano si Dr. Muszaphar (sorry, di namin naipagtanong kung bakit “Dr. Muszaphar” kung tawagin siya gayung, as far as we know, ang kaugalian sa Malaysia ay unang binabanggit ang apelyido bago ang first name ng tao, kaya dapat ay “Dr. Sheikh” ang tawag sa kanya).

Opo, pinalad kaming makita at mapakinggan ang pagsasalita ng Malaysian astronaut sa FEU Auditorium kamakailan. Dahil tall, dark, and handsome siya, pinagkaguluhan siya ng mga estudyanteg babae at  bading sa nasabing unibersidad.

Mistulang superman o superwoman ka pala pag napili kang isama sa outer space. Ibig sabihin pala nu’n ay in perfect health ka at kaya ng katawan, utak, at willpower mo na ma-stand, kundi man ma-tolerate ang ano mang kundisyon na mistulang ang layunin ay sirain ang kalusugan mo, sirain ang ulo mo, at wasakin ang willpower mo. Ganu’n katindi ang halos dalawang taon na training nila!

“You can’t be sent to outer space if your teeth have fillings–because all those fillings will start flying out of your teeth as soon as gravity disappears. And those fillings can contaminate outer space and damage the space station,” pahayag ni Dr. Muszhapar.

“And if you develop any kind of infection five minutes before your flight to outer space, or if you suddenly get a headache or a toothache, you will not be allowed to take the flight even if you had trained for it for two years and you were okay until one minute before the flight,” dagdag pa n’ya.

Tapos nga pala ng Medicine si Dr. Muszhaphar. Orthopedic Surgery ang specialization n’ya. Siya ang napili out of 11, 470 applicants para sumakay sa Soyuz TMA-11 mission ng Russia. Actually, may napili ring ka-alternate n’ya na kasabay din n’yang nag-training. Nung October 2007 ginanap ang outer space mission. Thirty-four years old na si Dr. Muszaphar nung panahon na yon. May kasama siyang isang Russian na lalaki at isang Amerikana. Twelve days silang nanatili sa International Space Station na pinopondahan ng Russia, Amerika, at iba pang bansa (kabilang na ang China at Japan).

Paano kung yung top politician na yon na natsitsismis na maliit ang ari ay may kalusugan at kakayahan na maging astronaut? Di kaya magsisi ang di-sumikat na singer na yon na iniwan n’ya ang pulitikong may reputasyon na napakatalino?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply