Maling brand sa ‘Pajero Bishop’ di makakaapekto sa PCSO credibility — Juico

TIWALA si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Margie Juico na hindi makaaapekto sa kredibilidad ng ahensya ang kanyang pagkakamali na Pajero ang tinanggap ng mga obispo ng Simbahang Katolika mula sa ahensya.

Sinabi ni Juico na brand lang naman ang mali pero talagang tumanggap ng sasakyan mula sa PCSO ang mga obispo.

Tiniyak din ni Juico na tuloy pa rin ang pagtulong ng ahensya sa mga obispo sa kabila ng eskandalo.

Hindi naman aniya mapipilay ang charity works ng mga obispo at pwede pa ring magbigay ng sasakyan ang PCSO basta’t hindi kukunin mula sa charity fund kundi sa grants and subsidies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply