Manager na si Malou Choa-Fagar walang alam sa isyung kinasasangkutan ng alagang si Maricel Soriano

DAHIL sa hindi mahagilap si Maricel Soriano sa kinasasangkutang issue ngayon ng aktres na reklamo sa kanya ng dalawang kasambahay na diumano’y kanyang minaltrato, ang well-loved sa showbiz at Vice President ng Tape Incorporated na tumatayong kanyang manager ngayong si Ma’am Malou Choa-Fagar ang hinahanap para hingan ng statement tungkol sa kanyang alaga. Pero dahil ilang buwan ng walang komunikasyon si Ma’am Malou sa kanyang talent, walang masagot ang nasabing lady executive na namamahala ng programang “Eat Bulaga.”

Kahit nga ‘yung offer na movie ni Maricel sa Viva, wala ring alam si Ma’am Malou, ganon na rin sa huling guesting ng said actress sa “Party Pilipinas.”

At dahil sa walang makuhang news at update kay Maricel ay nag-imbestiga na lang ang ilang mga kasamahan natin sa hanapbuhay.

Kanilang napag-alaman na hindi naman daw permanenteng nakatira ang aktres sa Rizal Tower sa Rockwell, Manila kung saan ayon pa sa kanyang dalawang katulong na sina May Cachuela, 21 anyos at 18 anyos na si Camille Acojedo, rito naganap ang pananadyak diumano ni Maria sa binti ni Cachuela nang hindi raw nagustuhan ng aktres ang damit na ipinahanda nito sa nasabing kasambahay.

Nagreklamo ang dalawang katulong na ito sa programa ng matapang na radio commentator na si Mon Tulfo sa Radio Inquirer na “Isumbong Mo Kay Tulfo” kung saan inakusahan pa ng mga ito na gumagamit ng droga si Maricel kaya nawawala ito sa sarili at nag-iiba ang ugali.

Pagtatanggol naman ng personal assistant ni Maria sa kanya na si Inday Castillo, Hindi raw totoo ang mga ipinahayag ng mga katulong. Sabi pa nito, nag-iimbento lang daw ng issue ang mga ito laban sa among aktres.

Matatandaang naging malapit na sa Diyos itong si Maricel at walang patid at hindi ito nagsasawa na padalhan ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at non-showbiz ng mga inspiratinal message.

As of now, bigyan natin ng benefit of the doubt muna itong si Maricel lalo pa’t hindi pa naman ito nagsasalita sa media tungkol sa mga paratang sa kanya ng kanyang mga kasambahay.

Para naman sa kanyang showbiz career, we heard na maraming offer na dumarating kay Ma’am Malou kaya lang ang problema ay hindi nga mahagilap ang mahusay at biyuti pa ring aktres.

***

Idol April Boy Regino nagpataob sa maraming singer

PAGDATING sa kanyang career ay masasabing may Staying Power itong ating Idol na si April Boy Regino. Pano, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng show dito sa Pinas at iba’t ibang bansa si Idol, partikular na sa United States kung saan in-demand pa rin siya sa rami ng bookings.

Say n’yo, super benta rin ang album nila ng anak na si JC Regino titled IDOL STAR na naglalaman ng mga awiting Di Na Ako Iibig Pang Muli, Hanggang Sa Dulo Ng Aking Buhay, Pangarap Ko’y Makapiling Ka, Chinito, Tanggan Ko Na, Siya Ba O Ako?, Daddy, Pengeng Pera, at ang kasalukuyang pinu-promote ngayon ni JC na MRS na o most requested song sa iba’t ibang Top-rating FM Stations na Ang Buhay Ko’y Para Sa Iyo.

Hindi lang ito hit sa airwaves kundi patuloy na bumebenta sa market ang said album na ayon pa sa ating loving BFFT at entertainment editor dito sa Remate na si Pete A. ay more than half a million of pesos na raw ang nabebenta and still malakas pa rin ang hatak nito sa mga record bars nationwide.

Inihahanda na rin daw ng Viva Records ang first solo album ni JC Regino na this time ay mag-iiba naman siya ng forte at bibirit ng mga Pop Rock songs.

By the way, alam naming aware na ang lahat sa kasikatang tinamasa ni Idol April Boy nang sunud-sunod na mag-hit noon ang mga song nitong Umiiyak Ang Puso Ko, Paano Ang Puso Ko? at ang super pumatok nitong awitin na naging paboritong-paborito ng lahat na Di Ko Kayang Tanggapin!

Noong mga panahong ‘yun ay maraming sikat na singer na pinataob itong si Idol April Boy. ‘Yung iba nga sa kanila ay doon na lang sa abroad rumaket dahil pinataob talaga sila ni Idol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply