Manila Seedling isinubasta na rin ng QC gov’t

NAISUBASTA na rin ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang lupain ng Manila Seedling Bank Foundation, Inc. (MSBFI).

Nabatid mula kay City Treasurer Edgar Villanueva na tulad ng Philippine Heart Center (PHC), utang din sa buwis ang naging dahilan kung bakit naisubasta ang lupain na pag-aari ng naturang seedling producer.

Nagkakahalaga ng P40-milyon ang utang sa buwis ng MSBFI, ayon na rin sa isang text message ni Villanueva.

“Yung Manila Seedling, nai-auction na rin namin. It was sold to the city,” sabi ni Villanueva.

Ipinaliwanag ni Villanueva na kapag sinabing “sold to the city” awtomatikong mapupunta sa siyudad ang pangangalaga ng isang isinubastang ari-arian sa loob ng isang taon.

“Ang mga kumpanya o private owners ng properties na nai-auction have one year to redeem their properties. (The) QC (government) will control it within one year after the sale,” ani Villanueva.

Ang MSBFI ay environmental non-government organization (NGO) na itinatag noong 1977 at bilang isang seedling producer, lumaki ito bilang isang organisasyon na ang pangunahing layon ay gawing luntian ang kapaligiran.

Matatagpuan ang Manila Seedling Bank sa tapat ng Bantayog ng mga Bayani sa Quezon Avenue kanto ng EDSA sa Lungsod ng Quezon na ang pasukan ng mga sasakyan ay makikita sa Agham Road, Barangay Pinahan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa buwis ang MSBFI dahil ipinasubasta na rin ito ni dating city treasurer at ngayon ay City Administrator Victor

Endriga noong 2007 bunsod ng pagkakautang sa buwis na nagkakahalaga ng kulang-kulang P60-milyon.

Nasampahan pa nga ng kaso si Endriga sa Office of the Ombudsman subalit inabsuwelto rin siya ng Tanodbayan sa anumang pananagutang administratibo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply