Manny Pacquiao gaya-gaya kay Willie Revillame

PUSTAHAN di naman talaga magtatagal sa ere yung game show ni Manny Pacquiao na kuning-kuning ay mamimigay daw ng malaking premyo. Take note na galing daw mismo kay Manny yung mga papremyo nila.

Kiyems! Nunca, never gagawin yun ni Manny. Kung gusto lang talaga niyang mamigay ng pera, bakit idadaan pa sa game show? Dapat, yung mga constituents niya sa
Saranggani ang tulungan niya. Sila ang nangangailangan talaga roon, and with Manny Pacquiao as congressman ng naturang probinsya, malaking bagay ang magagawa niya.

Dapat na lang itigil ang kanyang pamumulitika sa tv. Malinaw na malinaw, may mas mataas na posisyong tinatarget si Manny kaya ayan, kuning-kuning na game show na mamimigay siya ng pera.

Sa true, hindi niya nature ang maging generous and that’s that.

Kaming mga reporter, we know a showbiz personality kung generous o hindi Kahit hindi pa personal yung mamimigay sila, hindi makalalampas yung asta niya pagdating sa pera. Definitely, hindi ang personalidad ni Pacquaio ang maging mabait sa press.

Bakit may nabalitaan na ba kayong reporter na nabigyan na medyo paldo ni Manny?

Itanong natin sa mga PR ng kanyang “Show Me The Manny” or yung mga carolers na tumapat sa show ni Manny noong Pasko.

Wala di ba?

Kaya hindi siya puwedeng makipag-kumpetensiya talaga kay Willie Revillame, na nabigyan na ng image na generous. For Manny, matagal na proseso pa bago paniwalaang talagang mamimigay nga siya.

Sabi nga sa probinsiya namin, subukan pamu, para mabalu!

***

‘Temptation Island’ dinudumog sa mga sinehan as in

IPINAGPAPAUNA na po naming we are writing this columm item hindi upang i-promote ang “Temptation Island.” Sa true, we have nothing to do with the movie at wala po kaming dahilan para i-promote ito na pasukin ng mga utaw.

Nor we are exaggerating about the whole thing. What we just woud like to emphasize is the fact na big hit talaga ang movie na ito at ito po ay wa kiyems, dahil true, napatunayan at talaga namang puno ang mga sinehang pinaglalabasan ng Regal movie na ito.

In so many months that we are regularly watching movies, thanks sa MTRCB card from Mrs. Grace Llamanzares, ngayon lang kami talaga nakakita ng sinehang napuno o kaya yung standing room only. Many of the past local movies at kahit na yung mga imported pa, laging ninety percent-empty ang mga sinehan and in many instances, nakararamdam kami ng matinding ginaw dahil iilan lang ang mga tao sa loob ng sinehan.

But not this time. Iba talaga’ng experience namin sa Temptation Island. First day showing, mga ala-una ng hapon, standing room only yung SM Theater na napasukan namin.
Talagang special ang pagsasabi ng mga takilyera na standing room only sila. Truly, talagang bago ka makaupo, kailangang matapos muna’ng screening.

Kayanga hindi kami magtataka kapag may announcement na nakaganyan karaming milyones ang first day take ng Temptation Island, and as matter of fact, they don’t need to pad the figures para maniwala kami pero ngayon pa lang, kahit magkano pa’ng ideklarang kita ng movie na ito, paniniwalaan namin.

Like we say, matagal na panahon kaming di nakapanood ng pelikulang pinilahan sa takilya.

***

Lovi Poe reyna ng mga kabadingan

BAKIT nga ba malakas ang Temptation Island ng Regal?

For one, bugbog sa publisidad at talagang na-curios ang taumbayan.

Sa true, technically, pangit naman ang pelikula, hindi ito classic but the promo of the movie ay tumpak, hindi sobrang luto.

Puwede na rin sigurong sabihing, isa si Lovie Poe (at ito PR na namin sa alaga ni Leo Dominguez, ha!) kung bakit marami ang nanonood ng movie na ito.

Baklang-bakla kasi ang atake ng role ni Lovi.

Nag-effort din naman sina Solenn Heusaff, Ruffa Mae Quinto, lalo na si Marian Rivera. Pero, wala silang magagawa. Minani-mani lang ni Lovi ang role niya bilang Serafina.

Yakang-yaka, ‘ika nga.

Bading na bading.

Hindi kataka-taka kung maging idolo siya ngayon ng mga kapatid natin sa hanap-buhay at bading communities sa ‘Pinas. At pustahan tayo, maging sa ibang bansa kung saan naglipana rin a ng mga kampon ni Eba.

Nag-aalala lang si Lovi na makarinig na naman siya ng puna, kantiyaw, intriga at kung anu-ano pa. Kasi nga, bilang anak ni Da King FPJ, hindi raw siya dapat magsusuot ng malaswang damit at tumanggap ng malaswang pelikula. As if malaswa ang pelikula ni Mother Lily na Temptation Island.

Hindi na lang kumikibo si Lovi. Tinatanggap na lang niya at nilululon ang laway, hoping against hope na mauunawaan ng mga ito na love niya ang showbiz at wala siyang intention na makasira sa reputasyon ng kanyang dakilang ama.

Okey ba. Rodel Fernando?

***

Imposible raw mag-fall kay Manny Pacquiao: Rhian Ramos di kayang patawarin si Mo Twister

NAIILANG pala dati si Rhian kay Manny dahil nang mag-guest siya sa Show Me Da Manny, hindi ito nagsasalita, pero masaya raw pala itong kasama.

Puwede raw kaya siyang ma-in love sa boksingero?

“I doubt it,” ang sagot ni Rhian sa posibilidad na ma-link silang dalawa. Hindi raw mangyayari ’yon.

Samantala, nilinaw ni Rhian ang lumabas na may communication na uli sila ni Mo Twister dahil lawyer lang daw niyang si Atty. Lorna Kapunan ang nakipag-usap kay Mo at sa lawyer nito.

Hindi rin totoong ang GMA-7 ang kumuha ng lawyer dahil siya mismo ang kumuha rito.

“That time, feeling ko, na-violate ako at kailangan ko ng lawyer. Pero walang case, nag-decide kami ng lawyer ko na ’wag dalhin sa court ang case. May mga inayos lang na gusot at feeling ko naman, na-address ang mga concern ko. Hindi kami nag-uusap, but I’m not saying I’m never gonna talk to him,” paglilinaw ni Rhian.

Pati siya, natawa sa tanong kung nabasa niya ang “Goodnight” tweet ni Mo, nabasa raw niya, “I got angry with that letter. Bakit ba ako kumuha ng lawyer? Pero para sa akin, tapos na ’yun.”

Matagal sumagot, pero inamin ni Rhian na blinock niya sa Twitter si Mo at naka-recover na raw siya.

“Matagal na akong naka-recover, pero ’di ko pa masasagot kung napatawad ko na siya.”

Nag-attempt ba si Mo na makipagbalikan sa kanya?

Hindi na sinagot ni Rhian ang huling tanong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply