Mapanglaw na puno ng kagubatan

MAG-ASAWANG sampal ang tinanggap ng mahihirap at magsasaka sa ilalim ng administrasyon ni PNoy: ang desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita at coco levy fund ng coconut farmers.

Noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos – may percentage na kinukuha mula sa aning niyog ng coconut farmers at inilagak sa bangko na pinaniniwalaang Marcos crony, na  nagkataon namang kamag-anak ni PNoy.

Ang pera ng coconut farmers sa bangko ay isinapi sa isang domestic conglomerate at kumita nang malaki.

Ayon sa magsasaka ng niyog, ang nabanggit na investment ay kanila at may hawak silang share of stock certificates.

Ang sabi ng Supreme Court ay hindi – ang share of stocks ay pag-aari ng bangko na crony ni Marcos.

So, butata ang coconut farmers at nawalan ng mantika ang kanilang mga labi.

Sa kaso ng HLI – Hacienda Luisita, Inc., pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang petisyon ng HLI na pag-aari ng pamilya ni PNoy at sinang-ayunan ang utos ng PARC – Presidential Agrarian Reform Council at na-revoke ang 1989 stock distribution plan na pinagtibay at pinabayaan ang pamamahagi ng halos ay limang libong ektarya ng lupain sa halos ay 6,300 mga original farmer.

Sa halip na pamamahagi ng lupa, iniutos ng Korte Suprema ang referendum at mamimili ang magsasaka: lupa o shares of stocks?

Sa masamang kultura ng Pinoy sa pulitika – election o referendum, tiyak na mabibigo ang magsasaka na magkaroon ng sariling lupa.

Ngayon, sabihin ninyo sa akin: paano aangat ang buhay ng mahirap kung laging pinagkakaitan ng hustisya at katarungan?

Ang iba tuloy ay namu-mundok, lumalaban sa gobyerno at inilalagay ang batas sa kanilang mga kamay.

Hindi na makababangon ang mga mahihirap sa ating bansa. Tuluyan na silang mamamatay nang dilat ang mata at mababaon sa kabao ng kawalang pag-asa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply