Mar Roxas sabik harapin ang hamon bilang DOTC czar

SABIK na harapin ngayon ni dating senador Mar Roxas ang panibagogn hamon sa pagsisimula ngayong Lunes ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Department of Transporatation and Communication (DOTC).

Bago mag-report sa kanyang bagong tungkulin, si Roxa ay dadaan muna sa Malacañg para manumpa kay Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang opisyal na tungkulin.

Ilan sa mga problemang haharapin ni Roxas ay ang bumabalot na suliranin sa kotrobersiya sa operasyon ng  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang NorthRail line, pati na ang internal squabble sa information technology partner Stadcom ng Land Transportation Office (LTO).

Para masolusyunan ang problema, kailangan umano ang “team effort” sa hanay ng mga propesyonal, eksperyensado, mapagkakatiwalaan at hindi pulitiko.

Sinabi ni Roxas na magtatalaga siya ng apat na undersecretaries sa mga susunod na araw at ito ay magmumula sa pribadong sektor.

“Their common characteristic is that they’re experienced, competent in their chosen fields, and none of them have been in politics,” pahayag ni Roxas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply