Marangyang kapehan sa PAGCOR iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang isiniwalat ni Pangulong Noynoy Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na umabot sa P1 bilyon ang ginastos ng dating pamunuan ng PAGCOR sa pagkakape pa lamang.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, makikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa Commission on Audit (COA) upang pag-aralan kung kinakailangan nilang magpatawag ng pagdinig sa Senado.

Nagulat si Guingona sa in-expose ni PNoy na umabot sa nasabing halaga ang ginastos ng PAGCOR para sa kanilang pagkakape.

“Hindi pa kasama rito ang asukal at creamer, sobrang laki nito,” pabirong komento pa ni Guingona.

Si Guingona na kilalang kaalyado ni Pangulong Aquino ay nagbigay katiyakan na magpapatuloy ang papel ng Senado na imbestigahan ang mga mauungkat na katiwalian sa pamahalaan bilang suporta sa kampanya ng administrasyon na dapat managot sa batas ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply