Marcelito pinagdududahan lagi ang pagkalalaki

SA INTERBYU ni Charlene Gonzales kay Marcelito Pomoy, ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent Season 2, itinanong ng una sa bisita kung girl ba ito o boy?

Sa gay lingo, puwede ring itanong kay Marcelito kung bading o tomboy ba ito dahil boses-babe at lalaki ang taglay nitong voice range kapag humahataw sa biritan.

Maluluma nga si Regine Velasquez sa timbre ng boses ni Marcelito.

At kahit pa si Jovit Baldivino, mukhang may tulog sa bagong champion. Anyway, sinagot na rin ni Marcelito na siya’y boy kaya’t hindi na dapat pagtalunan pa kung siya’y kalahi o straight guy.

Sa ASAP Rocks nitong nakaraang linggo, pinagtapat sa stage sina Marcelito at Jed Madela at walang masabi ang mga viewer kung sino sa dalawa ang kanilang iidolohin  dahil effortless kumbaga ang pagkanta nila ng matataas na nota.

***

SA “GANDANG Gabi Vice” na ipinalabas last Sunday, litaw na litaw ang boobs ni Ethel Booba at kitang-kita rin ang kaniyang singit. Mabuti na lang at hindi sila live kaya’t niremedyuhan ito (ang nasabing episiode) ng MTRCB at inutusang gawing malabo ang portion kung saan halos lumuwa ang malulusog at super-ayos nang dibdib ni Ethel.

May portion pa nga sa nasabing episode na iniiwas ni Vice ang silya na dapat sana’y uupuan ni Ethel, kaya’t sumadsad ang puwet ng komedyana sa sahig.

Ipinatanggal din ito ng MTRCB nang kanilang rebyuhin dahil hindi magandang biro ito sa mga manonood. Baka nga raw gayahin ng mga kabataan ang ganitong biro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply