Margie Juico ‘di sisibakin ng Malakanyang

WALANG balak ang Malakanyang na sibakin sa puwesto si PCSO chair Margie Juico.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng iba’t ibang religious groups at ilang obispo na alisin na si Juico sa PCSO dahil hindi niya alam kung ano talaga ang ipinamigay sa mga obispo noong nakaraang administrasyon.

“I think, that’s a pretty minor reason to ask for resignation,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Ayon sa Malakanyang, nirerespeto nito ang anumang rekomendasyon ng Senado na tila nag-abswelto na sa pagdinig na isinasagawa ng mga mambabatas.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na kung isyu ay ukol sa SUVs ay suportado ito ng Malakanyang subalit kung ang pag-uusapan aniya ay ang intelligence funds ay kailangan na halukaying mabuti ng mga senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply