Margie Juico napahiya sa mga obispo

NAPAHIYA sa pagdinig ng Senado si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairperson Margarita Juico, matapos itanggi ng mga obispo na hindi Pajero kundi ibang brand ng mga SUV ang ipinamahagi sa kanila na ginagamit sa charity works.

Kasunod ito ng pahayag ni dating PCSO Chairman Manoling Morato na ipokrito si Juico dahil sa pagso-sori nito sa mga obispo na pinagbintangang tumanggap ng Pajero.

Giit ni Morato, hindi umano madadala sa sori ang kasiraan na idinulot nito sa Simbahan dahil hindi biro ang nilikha nitong away sa pagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng gobyerno.

Kasabay nito, nanawagan si Morato kay Pangulong Benigno Aquino III na sibakin sa puwesto si Juico dahil hindi nito nauunawaan ang diwa ng batas na ang PCSO ay para sa kawanggawa, kabilang na ang pagtulong sa mga may-sakit at mahihirap.

“Kung pag-uusapan ang separation of church and state, hindi na ito ang dapat na gawing basehan kung ang pag-uusapan ay para sa pagtulong sa kapwa o kawanggawa,” ani Morato.

Ayon pa sa dating chairman ng PCSO, hindi rin umano ordinaryong korporasyon ang ahensya kundi charitable institution para sa pagtulong sa mahihirap at mga nangangailangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply