Maria Aragon Star Records Talent Na

MABUTI na lang at nakaugalian na namin na halos hatinggabi na kung magsimulang manood ng TV. Dahil du’n natiyempuhan namin ang pagbabalita ng Bandila ng ABS-CBN nung Miyerkules ng gabi na nasa Pilipinas na ang latest You Tube sensation na batang Pinay-Canadian na si Maria Aragon. Dahil nakuha na siyang talent ng Star Record, ipinasalubong siya sa airport sa lifestyle and entertainment reporter na si Ginger Conejeros. Sa airport pa lang, kumanta na nang live ng kapiraso si Maria para sa viewers ng newscast na yon.

Ibinalita rin sa Bandila na maggi-guest si Maria sa panghatinggabing music show ng ABS-CBN 2 na M.U. Live. Siyempre pa, inabangan din namin si Maria sa nasabing midnight show. Pero di lang si Maria ang nadiskubre namin du’n kundi pati na ang tatlong mahuhusay na hosts ng show.

Warm and pleasant naman si Maria na 10 years old pa lang. Happily, she dresses up her age. Di siya nagpipilit na magmukhang dalaga na, o dalagita kaya. Wala siyang make-up. She was in white dress na pinatungan n’ya ng maong na jacket. May black soft police cap siya. May ilang pirasong kuwintas siya. She did not look complicated at all.

Warm and pleasant siyang magsalita, kahit na parang hindi siya marunong mag-Tagalog at all. After all, sa Canada siya ipinanganak at lumaki at first time n’ya sa Pilipinas. Maski nga pala speaking voice n’ya ay maganda. Very educated and straightforward siyang magsalita ng Ingles. Wala siyang mga pala-palabok at pa-cute na mga “you know,” “well,” o “actually.” Edukado at disente siguro ang pamilya n’ya sa Canada.

Ang mother nga pala n’ya, ang ate n’yang ang pangalan ay Linger, at ang kuya n’yang si Dave ang mga kasama n’yang pumunta rito sa Pilipinas. Ang kuya n’yang mahiyain yata (di man lang ngumingiti) ang nakaimpluwensya sa kanya na magkahilig sa musika. Si Dave daw ang orihinal na nag-aaral ng piano sa kanilang magkakapatid. Si Dave nga pala ang nag-akumpanya sa kanya sa electronic piano nung huling kanta n’ya sa MU Live. Ininterbyu rin on-camera ang ina at kapatid ni Maria. Cute nga na dahil maliit si Maria, sa ibabaw ng mahabang table siya pinaupo, samantalang ang lahat, siyempre pa, ay nasa likod ng long table. She maintained an erect, decent, and very presentable posture all throughout the interview.

Very accommodating si Maria. Nag-offer pa siyang kumanta nang acapella (walang accompaniment) nang i-request siya ng host na si Martin Concio na kumanta ng isang awit ni Bruno Mars, isa pang Pinoy na sikat na sikat na rin sa mundo. Sa ibang kanta ni Maria siya mismo ang nag-akumpanya sa sarili n’ya.

For the first time nga pala ay napanood namin nang buo ang pakikipag-duet ni Maria kay Lady Gaga sa isa nitong concert matapos nitong mapanood ang pagkanta ni Maria ng Born This Way sa You Tube. Buung-buo na ini-replay ng MU Live ang duweto nila.

Sina Gazelle “Speedy Gee” Canlas (na isang babae, kung hindi n’yo pa alam), Tutti Karingal (na lalake po), at Martin ang masisiglang hosts ng MU Live. At sa interbyu nila with Maria, inamin ng bata na tatlong taon na silang nag-a-upload ng music video n’ya. Dozens and dozens of music videos na ang nai-upload nila. She implied na naghihintay talaga siyang ma-discover — the way na nabigyan ng break ang Pinay na Pinay pero US-based na ngayon na si Charice Pempengco. Suportado siya ng pamilya sa pag-a-upload ng mga music video. Most likely, isa sa mga kapatid n’ya ang kumukuha ng video.

Hanggang sa September nga pala mananatili sa bansa si Maria, dahil gagawa pa siya ng album sa Star Records, at siyempre pa, magpu-promote. If you want to catch her performing, from today on, check out lahat ng istasyon na pag-aari ng ABS-CBN, pati cable channels, including MYX, Studio 23, at ANC. Baka nga pati sa Lifestyle at Velvet channels sa cable, mapag-guest nila ang bagong child wonder!

Tiyak na maggi-guest siya sa ASAP, sa Showbiz News Ngayon, at sa The Buzz.

Sa ASAP, malamang ay makipag-duet siya kay Sarah Geronimo na siyang pinakamagaling mag-perform du’n. At si Sarah rin ang may pinakamagandang boses sa kanilang lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply