Marian pinakain ng alikabok ni Sam

NOW it can be told na talagang wala nang dating itong si Marianita Rivera sa male fans, at ang gusto na ngayon ng mga kalalakihan ay itong pretty, tall and sexy na si Sam Pinto na alaga ng sikat na diva/enterpreneur na si Ms. Claire dela Fuente. Matanda na kasi ang dating ni Marianita sa mga barako kaya ayaw na siyang pagpantasiyahan ng mga ito sa kanilang imahinasyon. At dahil diyan, hayun nilampaso pala to-the- max ni Sam si Marianita in terms of votes sa katatapos lang na final counting ng 100 Sexiest Women ng FHM kung saan in-award na kay Sam ang kanyang title for winning 6.9 million votes compared to Marianita na nakakuha lamang ng 3 million na boto at pumangatlo naman sa nasabing search si Angel Locsin sa boto nitong 2.8 million.

At dahil si Sam na nga ang hinirang na Sexiest Woman ng FHM for 2011 ay malaking advantage ito para sa umuusbong n’yang career. After mabalitaan ang kanyang pagkakapanalo ay pinag-aagawan na siya ngayon ng malalaking kompanya to endorse their products. Abangan dahil malapit ng lumabas ang TVC ng magandang aktres para sa isang sikat na Telecommunication Company.

Ha’y naku! Marianita, pakasal ka na lang kay Dingdong Dantes mo at nang may mapala ka pa dahil tanggapin mo na babaita na malapit nang matigok ang career mo dahil sa kamalditahan mo.

Mismo, gyud!

***

Gladys Reyes kontrabida sa buhay ni Bea Alonzo

KUNG noon ay si Judy Ann Santos, na gumaganap na orihinal na Mara, ang inapi ni Gladys Reyes bilang Clara sa top-rater teleserye na “Mara Clara” ng Dos, ngayon ay si Reign Santana (Bea Alonzo) naman ang pinagmamalupitan nang husto sa pinaka-astig na teleserye na “Guns And Roses” na pinagbibidahan nina Bea at Robin Padilla.

Talagang umuupa pa ng mga tao itong si Gladys para saktan si Reign. Hanggang kailan kaya matatapos ang kalupitan niyang ito sa babaing minamahal ni Abel (Robin)?

Samantala, may kilig factor ang mga eksena rito nina Ejay Flacon at Empress. At si Diether Ocampo na gumaganap bilang si Marcus Aguilar ay ang husay-husay rito.

Well, hindi naman maikakailang isa si Diet sa best actors natin sa industriya. Anyway, lahat ay inyong mapapanood sa Guns and Roses kaya huwag niyo itong kaliligtaang panoorin gabi-gabi sa Dos pagkatapos ng super taas din ng rating na “100 Days To Heaven” na ang lead cast ay sina Coney Reyes-Mumar at Xyriel Manabat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply