Marian Rivera ‘lumuhod’ sa beteranang mataray na aktres

IN FAIRNESS, walang nagawang kamalasaduhan sa amin si Marian Rivera pero base sa aming nabasa at narinig mula sa ma-kredibilidad na reporters ay naniwala kami sa kamalditahan nito. ‘Ika nga, no need to have an interview with her dahil tiyak madidismaya ka lang kung madedma ka.

Nabalitaan din namin ang pagdalaw nito sa kanyang fans na bedridden kasama si Dingdong Dantes pero mas na-appreciate namin ang ginawa nito lately sa paghingi nito ng despensa sa mahusay na beteranang character actress na si Ms. Celia Rodriguez.

What a gesture! Pinadalhan nito ng flowers and a note ang beteranang aktres nang na-invite siya sa birthday party nito na ginanap sa Bulacan. Nagte-taping ang aktres sa kanyang “Amaya” serye ng mga sandaling ‘yun.

Ayon sa balita, ikinatuwa ni Manay ang ipinadala ni Marian kaya binasa raw nito sa harap ng mga bisita, aloud at that! It says, nagpapasalamat ang aktres sa guidance na ibinigay sa kanya ng beteranang aktres at umaasa pa raw itong makatrabahong muli sa darating na mga project dahil sobrang na-miss niya ito.

Nakasisiguro kami na maliban sa acting technique, ang itinuro ni Manay sa aktres ay kasama rito ang pakipag-kapwa tao.

Isa rin sa matataray noon ang beteranang aktres pero hanggang ngayon ay respetado siya ng mga taga-industriya dahil kontrabida lang naman siya sa pelikula. Sa totoong buhay ay isa siyang mapagmahal sa kapwa and an actress par excellence.

Kung na-appreciate ni Marian ang guidance sa kanya ni Ms. Rodriguez, the best thing to do is not only sending flowers and notes kundi i-apply rin nito sa kanyang sarili ang nasabing guidance.

Lately ay natuwa din kami sa sense of professionalism ng aktres dahil namaga ang kanyang pisngi sa taping ng Amaya pero like a real trooper, itinuloy pa rin nito ang taping. Nag-mature nang talaga si Amanita.

Ang tsika, nakagat ng insekto ang pisngi nito sa taping ng nasabing serye ng Kapuso. Maputik daw ang location site sa Laguna at umuulan pa man din ng mga sandaling ‘yun. Balita sa pagka-sumpungin at pagkamaldita ang aktres pero sobrang ikinagulat umano at ikinasaya ng mga production people pati na ang kasamahang artista sa desisyon nitong ituloy ang taping.

Very good, klap klap!

***

May lihim si Phil kaya ayaw umamin sa relasyon nila ni Angel?

MAY mga kinikilig at gustong magkatuluyan sina Angel Locsin at Phil Younghusband.  Puwedeng sabihing perfect pair ang dalawa, they have common interest which is sports. Phil is into football and Angel is into swimming, di ba?

Sa nakitang interviews on TV, ‘yung walang pakiramdam lamang ang magsasabing they’re not playing sweet music. Aba eh, gawain ba ng ‘friends only’ ang pagsunud-sunod ni Angel sa Azkals player at may papunas-punas pa ng pawis ang una sa victory party.  At di ba nagalit pa si Angel dahil pati paghalik sa kanya ni Phil sa pisngi (?) ay nakunan ng kamera?

At ang latest, posibleng mag-join ang aktres sa susunod na laban ng Azkals sa ibang bansa dahil personally invited siya ni Phil. Well, in the name of love, why not, choc nut!
So, ano ito?  Can’t this be love?

Just wondering tuloy kami kung ano ang dahilan bakit walang pag-amin ang dalawa.  Hindi kaya may lihim din itong si Phil tulad ni Derek Ramsay na ang ending pala, kasal sa isang model at may anak pa raw? Tsk tsk!

Baka naman, aayusin muna ni Phil kung ano mang gusot mayroon siya at pagakatapos, apir apir!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply