Mariano pinakakasuhan na ni Leila de Lima

INIREKOMENDA na ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasampa ng kasong sedition at paglabag sa ilang provision ng Articles of War si retired Colonel Generoso Mariano, Deputy Commander of the Naval Reserve Command na nagpost sa Internet ng kanyang paghihikayat na pag-aaklas laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sa 8 pahinang legal opinion ni de Lima, sinabi nito na matapos mapag-aralang mabuti ang transcript ng video ni Mariano ay lumilitaw na ang tanging intensyon nito ay ang hikayatin ang publiko na mag-aklas laban sa kasalukuyang pamahalaan.

Ang nasabing aksyon aniya ni Mariano ay pasok sa mga elemento na nakasaad sa Article 142 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Sedition.

Ang mga itinatakbo aniya ng pahayag ni Mariano ay maituturing na seditious salig na rin sa ilang desisyon ng Supreme Court noon.

Sinabi ng kalihim na dapat agad arestuhin ng militar si Mariano kahit na walang warrant dahil sa aniya’y “unpardonable neglect of official duty”.

Bukod dito, maaari rin aniyang mapanagot si Mariano sa paglabag sa ilang probisyon ng Articles of War: tulad ng nakasaad sa Article 63 na may kaugnayan sa hindi paggalang sa pangulo, pangalawang pangulo, Congress of the Philippines o Secretary of National Defense, Article 67- Mutiny or Sedition, Article 91. Provoking Speeches or Gestures at Article 96. Conduct Unbecoming an Officer and a Gentleman

Ang legal opinion ay ginawa ni de Lima kasunod ng paghingi ng opinion ni AFP Judge Advocate General Brigadier General Gilberto Jose Roa kung ano ang dapat gawin kay Mariano.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply