Maricel Soriano inireklamo ng pananakit at di pagpapasuweldo

INIREKLAMO ng pananakit at hindi pagpapasuweldo ng kanyang mga tauhan ang aktres na si Maricel Soriano.

Ayon sa dalawang tauhan ng aktres na hindi muna pinangalanan, naghain sila ng kaso laban sa aktres makaraang ilang buwan din silang hindi pinasahod bukod pa sa pananakit na pisikal.

Matatandaang nauna nang naging laman ng blind item ang aktres na kusang pumasok sa rehabilitation center matapos umanong malulong sa ipinagbabawal na gamot at makaranas ng malalang depresyon.

Agad namang sinabi ng business manager ni Maricel na si Malou Fagar na wala pang statement na inilalabas ang kanyang alaga hinggil sa isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply