Mariel, Binoe nagliligawan pa

PAGKATAPOS i-announce ni John Estrada na buntis na ang asawang si Priscilla Meirelles, nag-wish agad ang “Happy,Yipee,Yehey!,” host  na sana’y magka-baby boy ito sa beauty queen. Tatlong babae kasi ang naging anak ni John sa rating asawang si Janice de Belen, kaya’t this time, lalaki ang wish ng aktor.

Kumambiyo naman si John, saying, “Pero  kung ano ang kagustuhan ng Diyos, ke baby boy o baby girl, masaya na rin kami basta’t maging malusog ang bata pagkasilang.” ani John na obvious na hindi maitago ang saya.

Matatandaang sa same show din tinutukso-tukso si John kung bakit hindi pa nito nabubuntis ang magandang misis? Akala tuloy ng iba, nalipasan na si John dahil  sa kabisihan sa trabaho.

Sa ngayon, beybing-beybi si Priscilla kay John at laging inaalalayan ang misis sa kahit saan magpunta. Todo-bantay din si mister sa lahat ng kilos  ni Priscilla.

—@@@—

TULOY, si Mariel Rodriguez naman ang tampulan ng biru-biruan kung kailan siya mapupuruhan ng asawang si Robin Padilla. Mas nauna pa nga silang (Robin at Mariel) ikasal kina John at Priscilla and yet, nagbunga agad ang samahan ng huling couple.

Kaya lang, sa mga unang pahayag ni Mariel, nasabi nito na ini-enjoy nilang mag-asawa ang samahang parang mag-sweetheart na kunwari’y nasa stage pa nang nagliligawan pa lang.

Na-miss siguro ni Mariel ang ligaw-ligawan siya ni Robin dahil alam naman ng lahat na isang whirlwind romance ang nangyari sa dalawa. Nagkita’t nagkasama sa “Pilipinas, Win na Win,” at dito nadebelop agad ng dalawa ang kakaibang nararamdaman sa isat isa.

Tama naman si Mariel, baka kung nagkaanak na siya’y mawala ang kaseksihan nito na pinagpapantasiyahan ni Robin.

Ibinuking pa nga ni Robin na nu’ng una nitong mapanood si Mariel sa “Wowowee,” may kakaiba na itong pakiramdam sa dalagang co-host noon ni Willie R.

—@@@—

WALA pang official statement from Vice Ganda’s camp kung totoo nga ba ang mga bali-balitang lumalaki na raw ang ulo ng sinasabing Concert King, ang diumano’y naka-dethrone sa titulong pagma-may-ari ni Martin Nievera? Pero, opisyal man o hindi ang pagtatalaga ng titulo kay Vice, ang tao naman ang nagsasabi nito at hindi sa kanilang kampo.

Marahil ay nakita nila kung paano lusubin, not once, but twice ng fans ang 18,000-seater capacity na Araneta Coliseum everytime na mayroong concert si Vice doon, kaya’t hindi kataka-takang tawagin ang comedy bar impersonator na isang “King ” sa kaniyang larangan.

Sa totoo lang, wala nang dapat pang patunayan si Vice, nu’ng isalang siya sa “Showtime”, biglang natameme ang mga katapat na show dahil kinabog sila ng “powers” ng vaklah! Nakaka-3rd season na ang Showtime at lalo pa itong lumalakas, thanks to Vice. But of course, group effort din itong masasabi dahil with Vhong Navarro, Anne Curtis at Billy Crawford, swak na swak sa panlasa ng audience ang nasabing noontime show before HYY.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply