Marine colonel may kumakalat na video

Isang koronel ng Philippines Marines ang ipinag-utos na hindi makakalabas ng kampo ng Philippine Navy matapos kumalat ang isang video nito na nag-uudyok ng pagpapabagsak sa pamahalaang Aquino.

Si Col. Generoso Mariano, deputy commander ng Naval Reserve Command, ay isasailalim sa pormal na imbestigasyon at habang hinihintay ang prosesong ito ay hindi ito pinapayagang makalabas ng kampo ng Philippine Marines.

Ayon kay Vice Admiral Alexander Pama, wala umanong indikasyon na may namumuong rebelyon sa hanay ng Philippine Navy subalit magiging bahagi ng pag-iimbestiga ang mga ikinilos ni Mariano at kung may mga sumusuporta rito.

Sa video na kumalat sa mga kampo ng militar at sa media, makikita si Mariano na nakaupo sa harap ng isang lamesa na may mikropono at may binabasang mensahe. Binatikos at pinuna ni Mariano ang kasalukuyang pamumuno ng Pangulong Aquino at  nagsabing tungkulin umano ng bawat Pilipino na palitan ang pamahalaan kung ‘di nito kayang pawiin ang kahirapan at mailigtas ang buhay ng nakararami.

Nananatili namang mataas ang approval rating ng pangulo – nasa pagitan ng 60% at 70% – kabila ng mga batikos sa kanyang pamumuno.

Isa umanong dahilan ng pagsulpot ng mga rebelyon ay ang pagkilos ng mga nasasagasaan ng kampanya ng Aquino administration sa paghabol sa mga dating matataas na opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa pandarambong at korapsyon sa pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply