Marine patay, 5 sugatan sa Abu Sayyaf

ISANG kagawad ng Philipine Marines ang napaslang habang limang sundalo pa ang nasugatan ng banggain nila ang may 30 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu kamakalawa ng hapon, sa ulat ng military Biyernes.

Sa report na ibinahagi ni Western Mindanao command spokesman Col Randolf Cabangbang, nangyari ang sagupaan sa pagitan ng mga kagawad ng Philippine Mrines Battalion Landing Team II at ASG bandang 6:00 ng umaga sa bayan ng Maimbung.

Nagsasaagwa ng routine combat patrol operation ang Marine Batallion Landing Team II nang masabat ang may 30 miyembro ng bandidong grupo na pinamumunuan ni Abu Sayyaf commander Umbra Jumdail, alyas Doctor Abu.

Tumagal ng mahigit 15 minuto ang sagupaan bago nagpasyang tumakas ang teroristang grupo na pinaniniwalaang nalagasan din ng marami matapos ang engkuwentro.

Agad na nagwatak-watak ang mga bandido sa ilang grupo upang maging madali ang pagtakas at maiwasang makilala ng mga tumutugis ayon pa sa militar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply