Mariz natatakot sa buhay ni Ronnie Ricketts

INAMIN ni OMB Chairman Ronnie Ricketts na magmula nang siya ay maupo sa naturang posisyon ay nakatatanggap na siya ng death threat.

Lalo na ngayong magkasanib puwersa sila ni Manila Mayor Alfredo Lim para tapusin ang pagbebenta ng mga pirated movie and music CD at DVD sa Quiapo.

“Siguruhin mo lang na kaya mo ang ginagawa mo….” Ito ang ilan sa mga mensaheng natatanggap ni Ricketts magmula nang maging OMB Chairman.

Maging ang maybahay ni Ricketts ay nakatatanggap rin ng death threat sa kanyang Facebook.

“Yes, tru email at sa Facebook ko nababasa ang mga death threat nila kay Ronnie (Ricketts),” bungad ni Mariz.

“Of course may nadarama akong takot para sa husband ko. Noong una pa nang maging OMB chairman siya ay pinagbibitiw ko na siya. Pero lagi niyang (RR) sinasabing baka yun daw ang itinakda sa kanya.”

Bago kami umalis ng Manila City Hall, tinanong namin si Ricketss kung nakasisiguro ba siya na tuluyan nang magsasara o matitigil na ang pagbebenta ng pirated CD sa Quiapo?

Sabi ni Ricketts sa pakikipag-ugnayan raw sa kanya ng mga tauhan at alagad ng batas sa Manila sa pangunguna ni Mayor Lim ay mawawakasan nila nang tuluyan ang pagbebenta ng pirated sa Quaipo.

Next target naman ni Chairman Rickets ay sa Quezon City sa tulong na rin ni Mayor Herbert Bautista.

Kahapon sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall ay binigyang parangal sina OMB Chairman Ronnie Ricketts at Mayor Alfredo ng taga-movie and music industry dahil sa pagsasanib puwersa nila para matigil na ang pagbebenta ng mga pirated movie and music CD at DVD sa Quiapo.

Inabot ni Annabelle Regalado, Chairman ng Phil. Association of Recording Industry (PARI) ang plaque of appreciation kina Mayor Lim at Chairman Ricketts dahil sa pag-raid sa mga pirated sa Quiapo.

Bago inabot ang plaque of appreciation ay sinabi ni Mayor Lim na hindi heroic ang ginawa nila ni Chairman Rocketts.

“Hindi po kami hero ni OMB Chairman Ronnie Ricketts. Ginawa lang namin ang aming tungkulin. Nagsanib puwersa kami ni Chairman dahil sa hindi magandang lumalabas na balita.

“Bago naman kami gumawa ng action ay nakipag-usap muna kami sa mga kapatid nating Muslim. Sila ang mga kapatid nating nagpunta ng Manila para makipagsapalaran makakuha ng hanapbuhay. Pero dahil walang mapasukang trabaho ay napasok sa mga iligal, tulad nitong pagbebenta ng mga pirated movie and music.

“Dahil gipit ay wala siguro silang choice kundi tanggapin ang alok sa kanila na iligal. Sabi nga, kapag ikaw ay gipit, kahit sa patalim ay kumakapit,” mahabang paliwanag ni Mayor Lim sa mga media na dumating sa Manila City Hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply