Mark Gil nadulas: Albie Casiño ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann

DAHIL sa galit ay hindi na nagawang makapagpreno ng sasabihin ang ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil hinggil sa ama na nakabuntis sa aktres.

Ayon sa aktor, hindi na mahalaga kung sino ang ama ng kanyang apo dahil marami naman daw tatayong tatay sa magiging anak ni Andi.

Nadulas pa ang aktor nang sabihing matapos iwan ang kanyang anak nang nakabuntis dito ay malakas pa ang loob nito na humingi ng DNA test.

Maalala na mismong ang ina ni Albie Casiño na dating kasintahan ni Andi ang nagsabing gusto nila ang DNA test para makumpirma kung si Albie nga ang ama ng bata.

Sa kanyang Twitter account ay nakapag-post naman si Albie na cheater si Andi at maraming lalaki.

Tinawag din ni Mark Gil na hipokrito at “pathetic” ang nakabuntis sa kanyang anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply