Marquez iinom uli ng ihi sa laban kay Pacman

MULING iinom ng kanyang ihi si Juan Manuel Marquez (53-5-1, 39 KOs) bago ang kanilang laban ni Manny Pacquiao (54-3-2, 38 KOs) sa Nov. 12 (13 sa Pilipinas).

Ayon kay Marquez, paghahandaan niya nang husto ang laban at titiyakin niyang masisiyahan ang
fans.

Sinabi ni Marquez na dapat ay handang-handa rin si Pacman sa kanilang paghaharap na hindi pa niya nagagawa noon.

“Pacquiao better come prepared like never before,” ayon kay Marquez. “I will come prepared and it is a fight for everyone to enjoy, especially for the Mexican fans.”

Matatandaan na nakasikwat na si Marquez ng draw kay Pacquiao noong 2004 at split-decision loss naman noong 2008.

Sasabog ang laban ng dalawa sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan ang mga tickets ay mabibili na ngayon sa halagang $1,200, $900, $600, $400 at $200.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply