Martin Escudero baklang-bakla!

MATUTUWA kayo talaga kay Martin Escudero (dating Mart Escudero sa GMA-7 noon) dahil first time siyang lumabas na bading sa big screen na nakatutuwa talaga.

Bida siya sa “Zombading” na isa sa closing films ng Cinemalaya 2011. Nakatutuwa ang movie at hindi ka talaga aantukin sa obrang ito ni Direk Jade Castro kahit ipina-labas ng 12 midnight sa main theatre ng CCP.

Ang grupo ni Direk Jade rin ang gumawa ng sikat noong indie film na “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.”

Kung ang “Rakenrol” ni Direk Quark ay ginawa ng limang taon, ang Zombading naman ay tumagal ang production ng dalawang taon. Sulit naman ang ibinayad ninyo kapag pinanood ang movie dahil maraming malalaking artistang lumabas sa movie na kinabibilangan nina Marian Rivera, Eugene Domingo, Daniel Fernando, Leandro Baldemor, John Regala at Janice de Belen.

***

IBA’T IBANG lugar sa Pilipinas ang pumuno na fans ng show ni Manny Pacquiao sa Cuneta Astrodome, ang “Manny Many Prizes” nung Saturday night. Hindi niya binigo ang mga taong nag-abang ng mahabang pila para magwagi sa mga pakontes ng show.

Sa audience pa lang ay namigay na si Manny ng P300,000 cash sa kung tawagin ay Manny’s Pick, nag-uwi ang apat na masuwerteng audience ng tig- P25,000 na puwede na nilang gawing puhunan sa negosyo. Samantalang ang 40 na maswerteng audience din ay nag-uwi ng tig-P5,000 cash na handog mismo ni Manny sa kanyang mga fan na tumungo sa Astrodome.

Sa grand prize, sinuwerte ang letter sender mula sa Davao City na biktima ng flashflood na padre de pamilya. Tanging siya lang ang nabuhay sa pamilya niya na naanod ng baha sa Davao.

Speechless ang biyudo na nagwagi ng P500,000 cash.Tipong di pa rin nakakabangon sa kalungkutan sa sinapit ng pamilya. Kahit paano, sa napanalunan niya ay mapagsisimula na siya ng bagong buhay.

Masaya ang buong Astrodome dahil sa pinasaya ni Manny ang mga fans niya na gustong swertehin at magsimula ng bagong negosyo at kabuhayan sa buhay.

Tama nga ang sabi ng programa na tuwing Saturday ay pabagu-bago ang mga pakontes at larong gagawin ng contestants, pati pagbibigay ng pangkabuhayan na showcase tulad ng isang mag-anak sa Marikina na ang anak na lalaki na pitong taon ay may hika. Madalas sinusumpong siya kaya kailangan ang nebulalizer. Binigyan ni Manny ito at pati ang magulang na walang hanapbuhay ay binigyan ng pagkakataon na magtayo ng mini-store.

Ang amang dating guwardiya ay bibigyan ni Manny ng trabaho.

***

ABA, si Diether Ocampo ang kauna-unahang aktor sa local cinema ang naka-dampi sa virgin lips ni Glaiza sa movie na Rakenrol na naging closing movie ng 2011 Cinemalaya. Istorya kasi nito ay fan si Glaiza ni Diether na isang rocker. Una pa lang niyang pagkakita kay Diether na kumakanta ay na in love na agad siya.

Kaya madaling nahulog ang loob ng dalaga sa singer. Pero nahalata agad niyang ibig lang siyang lokohin ni Diether kaya kumawala agad siya rito.

Binigla ni Diether sa kotse pa lang si Glaiza sa kanilang first date. Hinalikan niya agad sa lips ang nabiglang dalaga.

Special guest role lang si Diet sa movie at ang talagang bida rito ay sina Glaiza, Jason Abalos, Ketchup Eusebio at Alwyn Uytingco. Si Jason ang leading man ni Glaiza sa movie na obra ni Direk Quark Henares.

Sabi ng director, huling movie na niya ito dahil mag-aaral na siya sa business school sa abroad pretty soon.

***

NADAGDAGAN na naman pala ang crush ni Barbie Forteza. Bukod kay Dennis Trillo, crush na naman niyang bago at “kinikilig” pag nakikita o binabanggit sa kanya ay si Daniel Matsunaga.

Kinuwento ito ni Barbie na hindi kaharap si Joshua Dionisio dahil pag kaharap ito ay magre-react ang kanyang ka-love team. Dapat siyempre ay ito ang eternal crush niya.

Maaaring biro ito ni Joshua kay Barbie dahil lagi silang magkasama sa mga lakaran. Nagpartner na sa ilang projects ng GMA 7, ngayon naman ay sa movie na “Tween Academy: Class of 2012.”

***

Alden Richards malungkot dahil maantala ang first date nila ni Sam Pinto

MALUNGKOT si Alden Richards dahil hindi natuloy ngayong week ang first date nila ni Sam Pinto. Biglang nagkaroon ng commitment sa abroad si Sam.

Ani Alden sa set ng Tween Academy: Class of 2011: “ Makapag-hihintay naman ako. Saka friendly date lang naman iyon. Pero siyempre, excited din ako na maka-dinner si- at makakuwentuhan siya nang matagal.”

Bale partner ni Alden si Louise delos Reyes sa movie. Nagkasama silang dalawa sa “Alakdana.” Nanghinayang din si Alden na di napormahan nang husto si Louise noong magpartner sila. Kasi, di raw niya priority ang panliligaw sa panahong ito. Concentrated siya ngayon sa kanyang career dahil nagsisimula pa lang siya.

***

AT long last mapapanood na ang pinag-uusapan noong first  team-up nina Lovi Poe at Rocco Nacino na kinunan pa sa Coron, Palawan, na pinamagantang “Mistaken
Identity.” Mini soap ito na ipalalabas ng buong isang buwan tuwing Saturday, bago ang Eat Bulaga. Lumabas si Lovi na journalist na may assignment na naghahanap sa nawawalang prince. Napagkamalan niya si Rocco.

Sa pagti-taping nina Lovi at Rocco natsismis noon ang dalawa na crush diumano ni Rocco si Lovi. Pero, may hadlang noon para ligawan nang totohanan ng binata si
Lovi dahil may Rep. Ronald Singson pa noon ang sexy actress.

Bale first big role ito ni Rocco bilang leading man pagkatapos niyang magwagi sa StarStruck 5. Kasama sa cast dito sina Gloria Diaz at Luis Allandy. Sa direction ito ni Topel Lee.

Napanood namin kahapon ang first episode ng Mistaken Identity na talagang impres-sive ang unang tambalan nina Lovi at Rocco, bukod pa sa magandang lugar talaga ang Corona at Calauit, Island sa Palawan province.

Nakaeengganyo tuloy magpunta sa Coron at Calauit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply