Mas gusto ni John Lloyd na makasama si Sarah kaysa kay Angel

BY all indications, yung pelikula sana niya with Sarah Geronimo ang gustong mauna ni John Lloyd Cruz.

Pero ayaw pang kumpirmahin ng aktor kung ano ang susunod niyang project — movie ba with Angel Locsin o sequel ng “You Changed My Life” with Sarah Geronimo?

May balita kasing hindi na matutuloy ang John Lloyd-Angel movie at ito ngang balik-tambalan nila ni Sarah ang ipinalit.

Pero ayon kay Lloydie sa isang panayam, wala pa raw kumpirmasyon ang mga pelikulang ito pero pareho niyang gustong matuloy.

Say ng aktor, excited siyang gawin ang mga naturang proyekto pero ipinauubaya niya sa Star Cinema ang desisyon kung sino ang makakapareha niya sa susunod na project.

Ang Star Cinema raw ang nakakaalam kung ano  ang next project niya at kung ano ang sabihin sa kanya, ’yun ang gagawin niya.

***

Nora Aunor narito na sa Pilipinas? (Sa Ilusyon! Hakhakhak!)

IF plans do not miscarry, (it did miscarry…Hahahahahaha!) by the time you are reading this, nasa Pilipinas na si Nora Aunor (She’s still in the States, darling. So, what’snew? – Ed).

Although, may kaunting kinks, tila tuloy na tuloy naman as of presstime ang pag-uwi ni Nora Aunor. (The kinks were not remedied. – Ed)

Kung tuloy na nga talaga, then sasabak na sa shooting si Ate Guy.

Base sa ilang sources, sigurado na ang dating ni Ate Guy.  Ang kumpirmasyon umano ay galing mismo sa Media Affairs ng NAIA.

Napabalitang uuwi si Ate Guy para gawin ang “El Presidente” movie with Laguna Gov. ER Ejercito.

Gagampanan niya ang role na asawa ni Emilio Aguinaldo na dating inalok kay Batangas Governor at Star for All Seasons Vilma Santos.

Since hindi available si Ate Vi, si Ate Guy ang inalok ni ER at pumayag naman umano ang legendary singer-actress.

Kaagad daw inayos ng produksyon ang pag-uwi nito at ang report nga, Huwebes  ito dumating. (Huwebes ng 2020…Hakhakhak! – Ed)

Sa isang link na ipinost ng ANC 24/7 sa Facebook mula sa programa ni Gel Santos-Relos na Balitang Amerika, binigyan na si Ate Guy ng despedida ng ilang malalapit na kaibigan doon kabilang ang aktor na si Raoul Aragon, movie writer Cora Pastrana at beautician na si Monet Lu.

Siniguro rin ng Superstar ang kanyang pag-uwi at paggawa ng ilang project sa bansa.

Ang pag-uwi raw niya ay para rin sa kanyang mga kapatid at mga anak. (Ows? – Ed)

Ilang beses nang napabalita ang pag-uwi ng Superstar, pero lagi na lang itong hindi natutuloy.

Ang nakakatuwa lang, everytime may ganitong balita, laging umaasa ang kanyang fans at talagang hinihintay pa rin ang kanyang pagbabalik.

***

Daming gustong manggamit kay Sam Pinto!

DEADMA lang ang alaga ni Madam Claire Dela Fuente sa hindi magandang komento sa kanya. Pati na yung mga manggagamit sa bagong top-rated star ay di na lang niya pinapansin.

Mamatay-kayong-lahat-sa-inggit, ang puwedeng itawag sa stance ni Sam Pinto.

Can you imagine na may mga detractors na nagpapansin na kesyo mas pinalakpakan pa raw ang gurang na si Eula Valdez kesa sa kanya? Kumbaga, kung true man na pinalakpakan si Eula, yun ay dahil isa siyang novelty. Yung hiyaw sa kanya ay kasama na ang amuse factor na ke tanda na nga ni Eula, nagmumurang kamyas pa rin ito.

Sa true, sa stature ngayon ni Eula, wag na siyang mag-trying hard to look sexy and young. The truth is, sa edad niya, basta pagbutihan lang niya ang acting niya, sapat na yun.

As far as the others na mga huling sexy star gaya ni Regine something, wala silang panama kay Sam Pinto. As far as this corner is concerned, they will never come near to what Sam Pinto has achieved on such a short while.

Di ba, madam Claire?

Oh, yes, puwede nang palampasin ni Sam yung panggamit ng mga teen-ager na aktor kuning sa GMA 7. Tutal naman, kasali si Sam sa Tween Academy ng GMA 7 at talaga namang malaki ang maitutulong niya, lalo nga nga kung magsasabi ang sinuman sa kanila that they desire Sam.

Wala naming masama dun. Sam is sexy at kasalanan niya yun kaya siya pinagnanasaan.

Pero sana naman, hinay-hinay lang, hindi naman tsipipay ang image ni Sam Pinto para lagi na lang nilang pagtripan.

Excuse me, di siya si Rosanna Roces na puwedeng hayagang pagdyakulan dahil cheap as in very cheap naman ang pinanggalingan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply