Mas mataas ang rating kaysa dating drama special… Claudine pang-horror na lang ang beauty!

SA LAKI ng production cost noon ng Drama Special ni Claudine Barretto sa GMA-7 ay aminado ang nasabing TV network na hindi sila gaanong kumita rito lalo pa’t hindi naging impressive ang rating nito. Saka kahit na hindi gaanong nagri-rate ang show ni Claudine tinuloy na lang ng Kapuso dahil sa pagbibigay na lang nila ‘yun sa kakalipat lang sa istasyon nilang aktres. Pero ngayon, sa bagong project ni Claudine ay tila nakabangon na ito dahil consistent sa mataas na rating ang “Spooky Nights” nito kung saan nagbida sa dalawang episode ang said actress.

At siyempre, kumikita na rin dito ang GMA. Kaya lang, ang nakakalokah, pang-horror na pala ang beauty nitong si Claudine at sa ganitong klase ng programa na siya tinatangkilik ng publiko.

May bagong show ang aktres, ang “Iglot” na pagsasamahan nila nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Sana naman ay huwag mag-flop ito sa rating. Kundi baka ibalik na naman siya ng Siyete sa Spooky Nights.

Ganyan talaga kapag mataba ka. Limitado na lang ang role na puwedeng ibigay sa iyo. True, gyud!

***

‘Reputasyon’ ni Cristine Reyes kaabang-abang tuwing hapon

PATI mga edukado at matatalinong tao sa lipunan ay nakikiisa na sa “Reputasyon.” Yes, tuwing hapon ay nakakatutok sila sa napakandang teleserye na ito ni Cristine Reyes, na gumaganap bilang si Agnes Delos Santos. Isang babaing may mga simpleng pangarap ngunit sisirain ang kanyang buhay at reputasyon ng isang malagim na insidente. Sa kanyang portrayal pa lang ay kapansin-pansin na ang husay sa pag-arte rito ni Cristine.

Hindi rin nagpapahuli sa kanilang mahusay na pagganap ang dalawang leading-men ni Agnes na sina Rayver Cruz at Jason Abalos. Kamumuhian ninyo naman ng labis ang kasamaan dito ni Catherine Villamayor na buong husay at galing rin na ginagampanan ng comebacking controversial actress na si Aiko Melendez.

Ka-join rin sa cast ng Reputasyon sina RR Enriquez, Jacklyn Jose, Lito Pimentel, Emilio Garcia, Deborah Sun, Jill Yulo, Andre Garcia, John James Uy. Naririto rin ang mga batikang director at artista na sina Laurice Guillen at Celso Ad Castillo. Ito ay mula sa pinagtulungang husay sa direksiyon nina Jefrey Jeturian at Mervyn Brondial.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply