Mas matanda sa 2009 model na sasakyan, tanggalin sa lansangan – Miriam

ISANG panukalang batas ang inihain ni Senator Miriam Defensor-Santiago na naglalayong tanggalin na sa mga lansangan ng bansa ang mga sasakyang modelong mas mababa pa sa taong 2009.

Ayon sa Senate Bill 2834 o ang “Accelerated Retirement of Inefficient Vehicles Act”, ang mga behikulong ganito na ang edad ay sadyang malakas na gumamit ng gasolina o diesel. Kung matatanggal umano ito ay makakatipid ang bansa ng halos 80,000 bariles ng langis kada araw.

Kabilang sa mga nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng voucher sa mga maaapektuhan na mga sasakyan. Magagamit ang voucher para sa pagbili ng bago at matipid sa langis na sasakyan. Puwede rin umano itong gamitin bilang passes sa mga bus at sa mga public transport.

Inangalan naman ito ng mga Taxi operators at mga may-ari ng mga pribadong sasakyan dahil hindi malinaw kung sino ang magbibigay ng subsidy para sa pagbili ng panibagong sasakyan.

Mapipilitan umano ang mga public transport operators na taasan ang singil na pasahe para may maipanbili ng bagong sasakyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply