Masbate Airport balik operasyon na

NAGBALIK na sa operasyon ang Masbate Airport matapos makumpuni ang paliparan at ipagpapatuloy na ng Zest Air ang biyahe nito sa Masbate City.

Ayon kay Josefina Nuñez na namamahala sa Masbate Airport, binuksan na muli ang paliparan dahil natapos na ang pagkumpuni sa runway nito.

Sa muling pagbubukas ng paliparan, muling magsisilbi ito sa dalawang flights bawat araw.

Kinumpirma Zest Air ticketing office na nagbu-booking na ito ng pasahero para sa biyaheng Manila-Masbate at return trip nito na magsisimula ngayong Sabado

Wala pang abiso ang Air Philippines subalit inaasahang itutuloy rin nito ang flights sa Masbate sa mga susunod na araw.

Dalawang buwan na isinara ang tanging paliparan sa Masbate upang bigyang daan ang pagsasagawa ng asphalt overlay ng runway at pagkumpuni ng nasirang bahagi ng existing pavement.

Isang buwan lang ang original na timeframe ng konstruksyon subalit inabot ito ng dalawang buwan dahil sa mahigpit na ipinatupad ng kasalukuyang pamunuan sa Department of Transportation and Communication (DOTC) ang mataas na quality standards. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply