Massacre case ‘di apektado sa ‘word war’ nina Lacierda at Roque

HINDI apektado ang panig ng prosekusyon sa Maguindanao massacre case sa bangayan nina presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda at Atty. Harry Roque, counsel ng mga kaanak ng ilang biktima.

Ito ang iginiit ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III dahil maganda naman ang nagiging takbo ng pagdinig.

Wala aniyang involvement ang Department of Justice (DoJ) sa mga sinasabi ni Roque na itinuturing niyang sariling opinyon lamang ng abogado sa mga isyung nais nitong bigyan ng reaksiyon.

Nilinaw din ng opisyal na sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na affidavit ang DoJ mula kay dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan tungkol sa kaso ng Maguindanao massacre at ang pagnanais na tumestigo laban sa kanyang ama, mga kapatid at iba pang pangunahing sangkot sa krimen.

Inamin naman ni Baraan na may affidavit na naiparating ang kampo ni Zaldy sa DoJ tungkol sa dayaan noong May 10, 2004 election at maliban pa aniya rito ang affidavit na hindi pirmado ni Zaldy kaugnay sa ibang isyu.

Pero ipinunto ni Baraan na ang mga nabanggit na salaysay ay isinasailalim pa rin sa pag-aaral ng kagawaran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply