Master plan ng flood control sa Davao iguguhit ng DPWH

NAKIKIPAGTULUNGAN na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lokal na pamahalaan ng Davao sa pagguhit at paghahanda ng master plan para sa flood control project ng lungsod.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, ang master plan ay tutulong upang malutas ang problema ng Davao City sa mga pagbaha at maiwasang maulit ang naganap na flashfloods na kumitil ng 27 katao ng umapaw ang Matina bridge dahil sa malakas na buhos ng ulan noong isang linggo.

Isa sa mga posibleng solusyon na nais ipatupad ng DPWH sa kahabaan ng Ilog ng Matina ay ang pagpapalapad ng bahagi papuntang bunganga ng ilog upang ang agos ng tubig mula Matina hanggang Panggi bridge ay bumilis.

Papalitan din ng ahensya ang tulay sa mataas na bahagi ng Matina at Pangi River na tinangay ng malakas na agos noong kasagsagan ng flashflood.

Natuwa naman ang kalihim ng malamang nagsasagawa na ang pamahalaang lokal ng Davao City ng bidding sa mga procurement at pasilidad sa pagsasagawa ng mga flood control project sa kanilang lungsod.

“Sa malapit na hinaharap ay magkasamang magtatrabaho ang ahensya at lokal na pamahalaan ng Davao. Kabilang dito ang pagpapalapad ng ilog maging pagtutuwid ng ilang mga palikong bahagi ng ilog, ” dagdag pa ni Singson. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply