Matabungkay triathletes magtatagisan

LALARGA ang may 300 makikipagtagisan ng kakayahan sa gaganaping long-distance triathlon sa darating na Linggo, Hulyo 17, 2011 sa Matabungkay Beach Resort & Hotel, Lian, Batangas.

Binansagang Tri UNITED, na inorganisa ni Raul Cuevas ng Bike King, ang kaganapang ito’y  suportado ng UNILAB Active Health, Timex, K-Swiss, at Pocari Sweat, Crystal Clear Water, Orbea Bicycle at iba pa.

Ang Top 3 sa pangkalahatang kumpetisyon, kasama ang iba pang kategorya ng  mapaghamong kumpetisyong kapapalooban ng dalawang-kilometrong languyan, 60-kilometrong padyakan at 15-kilometrong hagaran, ay pagkakalooban ng pasadyang medalya ng mga punong-abala.

Kasama sa aakyat sa pedestal ang lalaki’t babae, na pinakamagaling sa languyan, pagbibiskleta at takbuhan, ayon kay Cuevas, na isa ring director ng  Triathlon Association of the Philippines.

Si Sandra Araullo-Gonzales (Bike King), two-time SEA Games silver medalist, ang paborito sa kababaihan, samantalang bibigyan siya ng magandang laban ng mga triathlete na sina Joyette Jopson (David’s Salon), Tricia Conception (Polo Tri) at Lorhiz Echavez (Reborn).

Haharurot din dito ang dating national coach na si Peter Gonzales (Bike King), Celnan Jopson (Polo Tri), Patrick Joson (Fitness First) at ang mga koponan ng TRAIN, Herbalife, Globe Tri, Century Tuna Tri Hard, South Tri Army Navy, PMI, Tri Clark at iba pa ay kabilang sa mga makkipagtunggalian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply