Matagal ko nang alam na may tunay na asawa si Derek!– Angelica Panganiban

MAY butas yung alibi na kuning-kuning noon pa mang una, sinabi na ni Derek Ramsay kay Angelica Panganiban na may unang babae na itong pinakasalan. Na kesyo ganyan, ganun at ganito. Kumbaga, parang hindi lumabas na tanga si Angelica, kunwari sinabihan na siya noon pa man ni Derek tungkol sa isyu.

Heto pa, inaayos na raw ng kanilang abogado yung madaliang pagpapa-annul sa kasal ni Derek sa isang model para mapakasalan si Angelica. Weh!

Kung ganoon naman pala, noon pa ipinagtapat na ni Derek kay Angelica ang katotohanan na meron pa silang sinasabing pinaghandaan na ni Derek ang pagdating ng isyu., e bakit ngayon lang nila pinakilos yung abogado nila para magawan ng paraan ang legalidad ng lahat?

May butas, di po ba?

Dapat, noon pa man, gumawa na si Derek ng ligal na hakbang para sana ngayong dumating na yung kinatatakutang isyu, kampante na sila.

Isa pa, apat na taon na silang magkarelasyon, kung sa unang taon pa lang, inayos na yung annulment, kasal na sana sila ngayon.

O baka naman masyado nang na-trauma si Derek sa pagpapakasal, dahil alam nyo na, hindi naman siya naging maligaya dun sa una, bakit pa nga naman niya pakakasalan si Angelica?

In short, para kay Derek, di si Angelica ang babaing pinakakasalan, so you see, after four long years, wala pa ring magaganap na kasal.

Kung noon, puro OPM lang, na kesyo ganyan at ganito, mas malabo pa ngayon.

Makes sense?

***

Cheap copycat daw si Bela Padilla?

SOME quarters are accusing Bela Padilla to be a cheap copycat. Kitang-kita raw kasi na mula sa hitsura hanggang sa pagbibihis, maging sa pagsasalita, gayang-gaya ni Bela si Bea Alonzo.

Kumbaga, wala na raw talagang ipinag-iba si Bela sa actress sa ABS-CBN.

Kami naman po ay magsasabi na malayo naman yung akusasyon. Na para sa amin, unique na unique si Bela na aming natutukan pa sa kanyang Machete character noon, at maging dun sa kanila ni Marian Rivera, nakita ko yung kanyang kakanyahan, Bela Padilla, talaga siya, nag-iisa, siya lamang, bukod-tangi at walang ginagaya. Kung nagkataong magkasing-ganda sila ni Bea Alonzo na may parehong taste sa mga bagay-bagay, hindi panggagaya yun. May mga tao talagang kung minsan ay magkakahawig na may parehong mga katangian.

Pati raw pangalang Bela ay hango sa Bea?

Naman!

Dating Kristel Valle si Bela Padilla. Nang lumipat siya sa GMA-7, mismong mga GMA execs ang nagbinyag sa kanya ng Bela, hango sa main character ng Twilight. They find Bela’s beauty ethereal kaya yun, to create a mystery, Bela ang ipinangalan sa kanya, mula sa pangalang Bella? And the Padilla, comes from Robin Padilla na pinsan niya sa Cariño side.

Maliwanag naman siguro yun.

***

Biglang naging santa si Snooky dahil sa isyu ng drugs at pang-aabuso ng katulong ni Maricel Soriano

KUNG ikukumpara noon si Snooky Serna kay Maricel, ang layo talaga ng agwat. While Snooky’s life and career suffered some great blows, si Maricel hanggang sa huli, bongga pa rin ang life pati na career.

Kumbaga, Snooky was left out gayung kailan man, di nawala sa limelight si Maricel Soriano.

Pero ngayong nasa isang malaking isyu si Maricel nang dahil sa drugs at pambubugbog ng dalawang katulong, nagmistulang santa si Snooky. Na kahit pala naghihikahos at malamlam ang career, higit siyang may peace of mind dahil walang bagaheng gaya ng ngayon ay nakaatang kay Marya.

Pero teka, true ba yung mga akusasyon kay Maricel Soriano? That she is really abusing drugs base sa maraming usapin at tsismaks na noon pa man ay wala nang humpay?

Na umabot nga sa puntong nasa basement na siya at nagpa-rehab? Nang pumutok ang ganoong kuwento, walang explanation mula sa kanya or sa kanyang kampo. At the most, mga kaibigan lang niya’ng nagsasabing imposibleng mangyari yun sa buhay ni Marya. with such a success like her, aabot pa pa sa puntong aabuso siya sa drugs?

But things are taking shape now. Yung dating ayaw maniwala ay may doubts na ngayon. “It could be true na nagda-drugs nga siya,” sabi pa ng iba.

Pero yung bintang ng katulong tila exaggerated lang. Yung babarilin daw sila ni Marya, sobra na yun. Okey, may pang-aabuso pero yung babarilin…teka muna, mahirap patunayan yun. Puwedeng harassment yun sa aktres .. alam nyo na, para makakubra ng mas malaki.

But the bottomline is, may pinag-ugatan ang lahat. Hindi mapapasubaliang may malaking probema sa buhay si Maricel, otherwise wala ng mga ganitong stories.

So sa gitna pala ng mga paniniwalang isang success si Marya, naroon ang insecurity, ang failure.

Hindi kaya kasunod niyan ay marami pang revelation tungkol sa tunay niyang pagkatao?

Hindi kaya maraming bulok pang bagay sa buhay ni Maricel Soriano ang susunod na mabubulgar?

***

Aljur Abrenica, Ryan Agoncillo pinagsasabong?

MAY deliberate effort talagang pagsabungin ang mga kampo nina Aljur Abrenica at Ryan Agoncillo. Kitang-kita sa mga write ups na binebengga ng kampo ni Ryan si Aljur.

Ngayon kasi, lumabas yung bagong hotdog endorsement ni Ryan A. na talaga namang trying hard sa pag-emphazise na mas juicy ito kumpara sa Aljur’s endorsement na tuna hotdog. Kesyo malansa raw ang hotdog ni Aljur and more.

Minsan naman, may narinig kaming komento mula sa manager ni Ryan na si Noel Ferrer na kesyo ganyan at ganito si Aljur. Simpleng kuwento yun ng diumano’y, very sweet sina Eric Vijandre at Rich Asuncion, who we all know na dating karelasyon ni Aljur. Kumbaga, lantaran na raw si Eric at di ikinahihiya si Rich compared to Aljur na ganyan at ganito. Yung ganoon simpleng komento could lead to something else, you see siraan si Aljur sa mata ng publiko despues, pati endorsement niyang hotdog ay masisira rin.

See the connection?

O well, kung tutuusin, higit ngang may kredibilidad ang hotdog brand ni Ryan dahil matagal na ito sa market kumpara sa bagong produkto lang ni Aljur which is just gaining momentum to be as popular. Pero sana naman iwasan na yung pamemersonal ng ilan, especially ng kampo ni Ryan, kasi very unethical yun. Siraan ang produkto, pero ‘wag na si Aljur, personal na kasi pag ganoon.

Ano kaya, siraan nang siraan ng kampo ni Aljur si Ryan, baka siguro giyera mundial ang kasunod.

Hindi kaya?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply