May bagong biktima na naman ang Katipunerang aktres!: Bading na make-up artist sa ‘Amalas’ tsinugi dahil kay Marianita

VERY obvious na si Marianita Rivera na naman ang tinutukoy na aktres na nagmaldita at power-tripping sa set ng kanyang Amalas este “Amaya” sa GMA-7 na naglalabasan ngayon sa mga tabloid. Ang latest victim ni Katipunerang Marianita ay ang bading na make-up artist nila sa Amaya na narinig niyang kumanta ng pinasikat na awitin noon ni Cyndi Lauper na True Colors. Narito ang few lines na kinanta ng baklush na labis raw ikinairita ni Marianita. na:”I see your true colors shining though, I see your true colors.” pagkarinig na pagkarinig raw ni M.R., hayun, kaagad nagsumbong ang maldita at gurangitang aktres sa management.

Ang ending, sinabihan ang bading ng production staff na last day na ng trabaho nito sa Amalas at totally banned na siyang pumunta sa set dahil ayaw na siyang makita pa ni Marianita.

Well, masakit talaga marinig ang katotohanan no? Lalo pa’t halos lahat sa industriya ay kilala na ang tunay na anyo at totoong kulay ni Marianita na animo’y diabolical lady. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit sa kabila ng maraming sumbong na nakararating sa pamunuan mismo ng GMA 7 sa mga kawalanghiyaang pinagagawa nito, bakit tila kinukunsinti siya parati ng kanyang mother network?

Ganyan na ba talaga kalakas ang babaitang ito sa Kapuso network?

Nagtatanong, lang gyud!

***

Cong. Roman Romulo, mas priority ang pagtulong sa kapwa kaysa sa lovelife

KUNG sinu-sinong actress na ang ini-link ng press kay Pasig Congressman Roman Romulo. Ang latest nga ay ang kaibigang singer-actress ng Bossing naming si Sir Jaac na si Vina Morales.

Nataon namang very close itong mabait at guwapo naming Boss kay Cong. Romulo kaya minsan nag-group date sila ni Vina pero after that ay wala.

Ibig sabihin, hanggang doon lang ‘yun dahil as we heard, hindi pa rin priority ng guwapo at masipag na Kongresista ang kanyang lovelife dahil mas pinahahalagaan nito ang kanyang constituents na Pasigueño. Honestly, lahatin mo na sa mga naging congressman ng Pasig ay mas maraming nagawa si Cong. Roman na lalong ikinaunlad ng nasabing lugar.

At dahil alam niyang napaka-importante ng edukasyon at kalusugan sa kanyang mamamayan ay ito kaagad ang mga proyektong ipinatupad niya sa Pasig tulad ng pagpapatayo ng karagdagang silid-aralan sa iba’t ibang elementary school, maraming bilang ng computer na kanyang ipinagkaloob sa Sta. Lucia High School, sound system donation sa Maybunga Elem. School, medical mission, libreng eye check-up at salamin, at wheelchair ang kaloob niya para sa kanyang pangkalusugan project.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply