May bagong pinagkakaabalahan si KC

SI KC Concepcion pala ang sponsor ng re-staging ng “Carediva” musical ng PETA (Philippine Educational Theater Association) sa July 8-10 at 15, 16, at 22 sa PETA Theater sa 5 Eymard Drive, Quezon City. Fund-raising n’ya ito para sa Chamelion Foundation.

Ang Carediva ay yung tungkol sa isang grupo ng mga bading na Pinoy sa Israel na caregiver sa araw at impersonators sa isang bar sa gabi.

Masasabing ito ang pinakamatagumpay na produksyon ng PETA sa taong ito dahil pangatlong beses na nga nila itong itatanghal. Para sa mga gustong manood, pwede kayong tumawag o mag-text sa PETA Marketing for ticket prices: 0917-576-5400.

Type na type pala ng madla ang mga kuwento ng kabadingan na may kantahan at sayawan. Sometime this year, ni-revive din ang Zsa Zsa Zaturnah kung saan pangunahing bituin si Eula Valdez bilang isang bading na may super power. It was many years back nung unang itinanghal ang nasabing musical. Naaalala n’yo naman siguro na ginawa na itong pelikula ng Regal with no less than Zsa Zsa Padilla playing the gay title role.

Going back to KC and to PETA’s Carediva, alam n’yo bang major supporter ng PETA ang ina n’yang si Sharon Cuneta at ang stepdad n’yang si Sen. Kiko Pangilinan? Nakalagay ang pangalan nung mag-asawa sa bawat souvenir program sa bawat production ng PETA.

Oo nga pala, walang sikat na artista sa Carediva bagama’t hindi naman unknown ang mga pangunahing bituin nito na kinabibilangan ng TV director na si Andoy Ranay at ng playwright-composer na si Vince de Jesus. Pero hit nga ito sa madla kahit na hindi big showbiz stars ang nasa cast nito.

Nasimulan ko na rin lang ang pag-ungkat sa teatro, itutuluy-tuloy ko na. Ang character na Candida pala ang gagampanan ni Gina Pareńo sa musical na “Larawan” na itatanghal sa Cultural Center of the Philippines sa Pebrero next year. Napag-alaman namin ito mula mismo kay Gina nung press conference kamakailan para sa pelikulang “The Adventures of Pureza” na nagtatampok sa real-life sweethearts na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ang Larawan ay tungkol sa magkapatid na matandang dalaga (sina Paula at Candida). Adaptasyon ito sa Filipino ng stage play na “Portrait of the Artist as Filipino” na sinulat ni Nick Joaquin na isang National Artist for Literature. Ang Tanghalang Pilipino ang magpapalabas ng Larawan bilang bahagi ng 25th season nila. Si Helen Gamboa ang gaganap na Paula.

Alam n’yo bang bagama’t may script na ng Larawan si Gina, hindi pa n’ya ito nasisimulang basahin. Pero committed na nga siyang gawin ito.

Marami pa kasi siyang showbiz projects na pinagkakaabalahan. Actually, bagama’t tapos na siyang magsyuting ng The Adventures of Pureza, halos kasabay ng pagsyusyuting n’ya nito ang pagte-taping n’ya ng “My Binondo Girl” para sa ABS-CBN 2 kung saan tampok na bituin naman si Kim Chiu.

Oo nga pala, hindi ang Larawan ang kauna-unahang stage play na lalabasan ni Gina. Sometime this year ay gumanap siya sa “Wangap” na itinanghal sa Little Theater sa CCP. Isa rin yong CCP production kung saan nakatambal n’ya si Mario O’Hara.

Hindi musical ang Larawan, kundi straight play. Ibang adaptation yung musical na ang titulo ay “Ang Larawan,” kung saan sina Zsa Zsa at Celeste Legaspi ang gumanap na magkapatid na matandang dalaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply