May buwaya sa PCSO noon hanggang ngayon

NOONG una, nagkakagulo lang kung bakit biglang lumipat ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

Pagkatapos ay biglang nabalita ang pagpapabaya sa bahay ng mga batang may kanser.
Nagkaroon din ng isyu kung bakit libreng nananahan ang PCSO sa Quezon Institute, eh, biglang lumipat sa Philippine International Convention Center na ang upa ay napakamahal.

Ang kasunod nito, naghahalo na ang balat sa tinalupan.

PAJERO BISHOPS

Gamit ang nadiskubreng datos ng Commission on Audit at personal na nalalaman ng ilang nasa PCSO, may mga namalimos na bishop ng  Pajero. Hindi in kind kundi in cash na mahigit tig-P1M ang ipinagbibigay  sa mga namamalimos na obispo.

Sabi naman ng mga makakati ang dila, ginawa raw ni Aling Gloria na pambingwit ng loyalty ng mga obispo sa kanya ang mga Pajero, lalo na nang nagkakaproblema ito sa impeachment dahil sa paglitaw ng Hello, Garci. Pero ang katotohanan nito ay malalaman pa lang sa imbestigasyong isasagawa ng Senado.

AMBULANSIYA AT DRAM-DRAM NA CASH

Heto’t sumasabog ang balitang napakarami umanong kongresman at gobernnador ang nagkaroon ng mga ambulansiya. Ang mga kongresman ay nakatanggap pa ng P92 milyong cash.

P500,000 hanggang P68M ang bigayan sa bawat isa. Yung mga governor ay hindi lang iisa kundi dalawa hanggang 20 ang naiuwi na ambulansiya. Walang 40% na cash na ibinibigay ng mga kongresman at gobernador bilang parte nila sa pagkakaroon ng ambulansiyang mahigit P1M ang isa.

Sisiw at bulate lang pala ang problema ng mga Obispo kung ikukumpara ang nakuha nilang limos sa nakurakot ng mga opisyal ng gobyerno.

Anak ng buwaya…ginagawa ngang gatasan ang PCSO.

P30 BILYONG SALAPI NG PCSO

Ang PCSO pala ay kumikita ng P30B taon-taon. Kaya naman, ang daming buwaya na sumasagpang dito.

At nadagdag dito ang balitang may isang pamilya ngayon sa PCSO na gustong kumorner naman ng maraming transaksyon dito mula sa suplay ng wheelchair hanggang sa mga makina Loterya ng Bayan.

Nagkakandamatay-matay tuloy ang mga maysakit na dapat na sentro ng serbisyo ng PCSO.

Pweh!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply