May career na ang dating rumaratrat na sexy actor!

SI ROMANO Vasquez lang pala ang nakakaalala na panandaliang naging member ng “That’s Entertainment” ang ex-wife ni Sen. Chiz Escudero na si Christine. Of course, Romano himself was with That’s Entertainment for some years.

Nag-survey kami sa mga katoto namin sa showbiz press kamakailan kung alam nilang naging taga-That’s si Christine, pero walang nakakaalala. May isa pa ngang nagsabi sa amin na pati si Kuya Germs (German Moreno) ay di naaalaala si Christine. Ganu’n din daw ang sinabi sa kanya ni Carmelites na ever faithful secretary ni Kuya Germs. Pati nga ang apelyido ni Christine nung dalaga pa siya ay walang makaalala!

Ang naaalala nung isang press colleague namin ay pati sa Aawitan Kita ay naggi-guest si Christine, at isinasama siya ng host-producer ng show na si Armida Siguion Reyna pati sa out-of-town and out-of-the country shows n’ya. Kaya pala kakilala rin si Christine ng singer na si Bo Cerrudo na paborito rin ni Armida. (Kagagaling lang nga ni Bo, na dating Bimbo ang showbiz first name, sa Amerika kung saan nagkaron ng road shows ang tropa ng Aawitan Kita).

Kumanta rin daw si Christine sa The Library music bar for a week or two, ayon pa rin sa isa naming katoto na ni hindi rin maalala kung ano ang maiden surname nito.

May subconscious desire siguro si Christine na huwag makilala sa buong bansa at huwag maalala ng madla nang lubusan. Yon daw ang dahilan kung bakit walang makaalala kung ano ang maiden surname n’ya, ayon sa isang kaibigan naming mindpower teacher. Ni hindi nga maalaala ng iba na na-meet na nila si Christine. Matindi raw talaga ang mindpower ni Christine dahil nga pati apelyido n’ya ay napapalimot n’ya sa mga tao.

Ang isa pa nga raw ebidensya na ayaw talaga ni Christine na makilala ng lahat ay ang pakikipaghiwalay nito kay Senator Chiz na isang “presidentiable”–which means puwede siyang maging First Lady ng Pilipinas some years from now pero mas gusto nitong maging isang di-sumikat na singer sa music lounges.

Ang official statement yata ng senador ay walang third party na involved sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Well, hindi ganu’n ang ugong ng bulung-bulungan sa showbiz.
Nakipagbalikan daw si Christine sa isang ex-boyfriend nito na isang dating TV and pop concert dancer, ayon sa mga huntahan sa showbiz. (Remember, unknown man si Christine, “presidentiable” naman si Sen. Chiz kaya pinag-aaksayahan siya ng showbiz press na pagtsismisan!) Pastor pa nga raw sa kung anong religious sect ang ex-TV dancer na yon na umano’y ipinagpalit ng unknown singer sa magiting na senador.

To top it all, may asawa’t anak na rin daw ang laos na TV dancer na yon. Pero bulung-bulungan lang nga ito among showbiz insiders. Posibleng di totoo. Baka naghiwalay lang talaga ang senador at ang singer, period! Walang third party involved, period!

Samantala, kumusta na nga ba si Romano Vasquez? Katatapos lang n’yang gumawa ng isang sexy indie film. Actually, mas businessman siya ngayon kesa showbiz idol.

Nagpaparenta siya ng isang van at industrial partner siya ng isang fast food chain na ang pangalan ay Mr. Pospah. Siya ang in-charge sa pagbebenta ng franchise nito.
Siya mismo ay may ari ng isang Mr. Pospah somewhere in Las Piñas. Yun nga palang mga interesado na maging franchisee ng Mr. Pospah, check n’yo na lang si Romano sa Facebook.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply