May cold war sina Annabelle, Mama Daisy

MAY cold war ngayon na namamagitan kina Tita Annabelle Rama and Mama Daisy Romualdez dahil sa balitang paghihiwalay nina JC de Vera and Danita Paner.

Ayon sa mga alegasyon, pinagsabihan daw ni Bisaya ang anak ni Mama Dai na hindi na ito pwedeng makita kasama si JC kahit saan, lalo na sa mga mall na paboritong pasyalan ng dalawa after ng kanilang work.

Kaya nang marinig ito ng bida ng “Bangis,” agad itong nag-tweet at sinabing mag-quit na raw siya sa showbiz kung pagbabawalang makita ang kanyang boyfriend.

Agad itong nakarating sa kanyang mother, kaya kinausap niya ito kung may problema ba at kung bakit nag-tweet siya ng ganu’n?

Ikinuwento naman ng young actress ang dahilan tungkol sa pag-tweet niya at agad na sinabi ni Tita Dai sa kanyang anak na wag siyang sasagot sa mga interview tungkol sa hiwalayan blues dahil siya raw bahalang sumagot sa telebisyon.

May mga balita kasing kaya raw ayaw ni Bisaya na makitang magkasama ang dalawa kasi nga malapit nang ipalabas ang action-serye ni JC ang ‘Utol Kung Hudloom’ sa TV5 at makasisira raw ito sa promotion at lalo na sa lading-lady nito na si Jasmine Curtis.

Hindi raw ito matanggap ni Danita kaya nagkulong ito sa kanyang kuwarto at umiyak ng umiyak maghapon.

Alam mo na!!!

***

NAGING kontrobersiyal ang biglaang pag-alis ng Pop Princess na si Sarah Geronimo papuntang US noong nakaraang buwan at ayon sa singer-actress, nag-voice lessons raw siya at nag-aral ng sayaw.

Marami ang hindi naniniwala sa kanyang pahayag nang bumalik siya sa Pinas. Bakit ngayon niya lang daw ginawa ito kung kailan pang naging usap-usapan ang mainit na pagtanggap sa Star Power winner na si Angeline Quinto?

Hindi raw iyon ang tunay na dahilan ng pagpunta niya at pag-aral sa US.

Kaya raw biglang umalis papuntang US ang singer/actress ay dahil nga may namumuong problema sa kanilang pamilya kung saan hiwalay na raw ang kanyang mga magulang.

Pero sa pahayag ni Sarah sa isang interview sa telebisyon, sinabi niya na hindi ito totoo at walang problema sa kanilang pamilya at intact pa rin sila bilang isang pamilya.

May mga tsismis kasi na kaya raw hiniwalayan ni Mommy Divine si Mang Delfin kasi nga naloloko raw ito ngayon sa sugal.

Agad na pinabulaanan ng singer/actress ang mga batikos at sinabing iyang alam daw ng Diyos kung ano ang totoo tungkol sa kanyang mga magulang.

Alam mo na!!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply