May STL ‘intel’ funds pala!

SA pagbubukas ng Senate inquiry sa mga kalokohan sa Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO), nakalkal na ang ahensya pala ay may  ipinopondong intelligence budget para sa Small Town Lottery (STL).

Sa mismong bunganga ni dating General Manager Rosario Uriarte, sa nakaraang tatlong taon, ang PCSO ay naglaan at gumastos ng P325 million sa pagtiktik sa mga bumabaluktot sa adhikain ng STL.

Naboldyak tuloy ng mga senador. Bakit kanyo? Aba eh, klaro naman na nagsisinungaling si Uriarte. Ginamit pa niya ang STL para itago ang katotohanan na nahokus-pokus ang nasabing ‘intel funds’.

o0o
Napag-uusapan ang sugal, aba eh, ayaw lumubay ang operasyon ng loteng ng isang ‘Gatcula’ sa lugar ni Calaca Mayor Naz  Ona. Sa sobrang lakas, lumagpas ang operasyon ni ‘Gatdula’ sa bayan ni Nasugbu Mayor Tony Barcelon.

Kapanalig ni ‘Gatdula’ ang isang nagngangalang ‘Willie’ sa operasyon ng loteng sa Nasugbu, ayon sa ulat na nakarating sa atin, sa Chokepoint.

Napag-usapan na rin natin ang mga iligal sa Batangas, Col. Rosauro Aceo, sir, inirereklamo ng mga taga Bauan ang ‘pergalan’ diyan sa Brgy. san Roque na ang nagmamantine raw ay isang alyas ‘’Tina’.

Lahat ng uri raw ng sugal – tulad ng sakla, beto-beto, kalaskas at pula’t puti ay makikita sa pergalan na yan ni ‘Tina’.

Diyan naman sa probinsya ni Laguna Gov. ER Ejercito, ‘di pa rin daw humihinto ang ‘puwesto pijo’ na pergalan ng isang ‘Aling Mely’ sa Crossing, Calamba City.

Si ‘Aling Mely’ na kilala sa bansag na ‘Perya Queen’ ang may-ari rin umano ng nagkalat na pergalan, di lang sa Laguna kundi sa lalawigan ng Quezon.

Matagal nang inirereklamo sa atin ang ‘pergalan’ ni Aling Mely dahil pati mga bata ay nalululong na raw sa paglalaro ng iba’t ibang sugal dito.

Inireklamo na raw ito ng mga magulang sa opisina ni Laguna provincial commander S/Supt. Gilbert Cruz pero, nananatili ang operasyon ng nasabing pergalan sa Crossing, Calamba City.

Dapat sigurong kumilos si Gov. Ejercito at Col. Cruz para masara ang perwisyong pergalan na ito ni Aling Mely.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply