Mayor, engineer sa Rizal sabit sa iligal na troso

MULING nahaharap sa panibagong kaso ang dating alkalde ng Rodriguez (dating Montalban) at ang kanyang municipal engineer matapos na ipag-utos ng  Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal dahil sa iligal na pag-iingat ng forest products na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Sina ex-Mayor Pedro Cuerpo at Engr. Arsitotle Cruz ay pinasasampahan ng kasong paglabag sa section 77 ng Presidential Decree 705, na inamyendahan ng Executive Order 277 at Republic Act 7161, na mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code of the Philippines.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo na isinampa ng Department of Environment and Natural Resources’ Community Environment and Natural Resources Officer (DENR-CENRO) noong Oktubre 2005.

Base sa rekord ng DENR-CENRO nakatanggap sila ng memorandum sa officer in charge ng Montalban Multi-Purpose Center at team leader ng Patrol Sector No. 1 noong Hunyo 20, 2005 kaugnay ng presensiya ng ilegally-cut timber products na nakatambak sa loob ng Montalban slaughter house sa Barangay San Jose.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang kanilang mga operatiba kaugnay nito at kumuha na rin ng search warrant sa sala ni San Mateo Regional Trial Court Judge Elizabeth Balquin-Reyes.

Positibo ang naging operasyon ng grupo, na nakadiskubre ng mga sariwang 28,050 board feet ng mga kahoy na tanguile at lawaan na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Ang mga ito ay natagpuan sa loob ng motorpool ng slaughter house kung saan si Cruz ang OIC.

Inamin din ni Cruz na ang mga produkto ay galing sa kabundukan ng Montalban at diniliber sa motorpool noong Hunyo 2005, subalit hindi ito nagawang kunin ng DENR dahil sa pagharang ng alkalde.

Sa 17-pahinang resolusyon, sinabi ni acting Ombudsman Orlando Casimiro na: “case records readily show that there was irregularity in the act of the respondents in using illegally cut timber in manufacturing school armchairs, as they reasoned out.”

Ayon pa sa Ombudsman tanging ang DENR lang ang may exclusive authority para magkumpiska ng mga iligal na troso.

Sinasabi rin ng batas na lahat ng makukumpiska ay deklaradong pag-aari na nang national government.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply