Mayor Lim sa kabataan: Ligawan iwasan muna

BUNSOD ng lumolobong populasyon, pinangaralan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang libu-libung mag-aaral ng Dr. Juan Nolasco High School, na iwasan muna ang pakikipagligawan ng mga estudyante  matapos nitong pasinayaan ang may apat na palapag na bagong gusali ng paaralan sa Tondo, Maynila.

Kasama si Fr. Carlo F. Bitante ng San Pablo Parish, pinasinayaan ng alkalde ang apat na palapag na gusali na may mga matitibay na pundasyon upang ligtas sa anumang magaganap na paglindol ang mga mag-aaral..

“Ang aking pakiusap sa mga guro, pangalagaan ninyong mabuti ang inyong mga tinuturuan. Kayo naman mag-aaral, sana huwag ninyong aksayahin ang panahon ninyo sa panahong ito, una ninyong dapat mapokus ang inyong atensyon ay sa pag-aaral, lagi kong sinasabi sa mga kabataang katulad ninyo, mag-aral, mag-aral, mag-aral,” ayon kay Lim.

“Kalimutan na muna natin ang ibang mga bagay na hindi naaayon sa wastong pag-aaral, dahil dito nakasalalay ang pagbabago ng buhay ninyo, hindi lang kayo pati na ang buhay ng pamilya ninyo,” paalala pa ng alaklde sa mga mag-aaral.

Imilnulat din ni Lim na masuwerte ang mga mag-aaral ngayon dahil may mga magulang silang nakaalalay at nagpapaaral sa kanila.

Nagpasalamat naman ang mga guro at mga magulang sa bagong gawang paaralan.

Naroon din sa pagpapasinaya sina Niño Dela Cruz of Distrit 1, CSF Chief Maj. Nicolas “Nick” Amparo (ret.), MTCAB at UDM President Atty. Solfia Arboladura, Deputy Director MPD Col. Alexander “ Alex” Gutierrez, department heads at hospital directors ng mga ospital sa Maynila ang ginawang pagpapasinaya sa bagong paaralan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply