Mayor Sarah Duterte nanapak ng sheriff

SUNOD-SUNOD na sapak mula mismo kay Davao City Mayor Inday Sarah Duterte ang natanggap ng sheriff na si Aby Andres sa Davao City.

Nabatid na nilamog ni Duterte si Andres dahil sa sobrang galit sa hindi pagsunod sa kanyang kahilingan. Hindi pa umano nasiyahan ang mayor dahil nang tumakbo ang sheriff ay sinundan niya pa ito saka sinabunutan.

Nag-init ang ulo ni Duterte nang hindi pumayag ang sheriff na suspendihin kahit ilang oras lamang ang demolisyon at igiit ang pagpapatupad sa noon ay dala nitong writ of execution para sirain ang mga bahay sa Blk. 1, Blk 2, Blk 3, Soliman at Bangoy Sts.

Labis ding ikinagalit ng mayor nang madatnan ang napakagulong lugar kung saan hindi magkamayaw ang mga residente dahil hindi umano sila inabisuhan sa nasabing demolisyon.

Marami rin ang nasaktan dahil sa pag-ulan ng mga bato mula sa mga galit na mga residente, kabilang na si Insp. Moring ng City Public Safety Company na natamaan ng Indian pana.

Sa panayam kay Duterte, nanindigan ito sa kanyang ginawa at wala siyang pakialam kung meron mang babatikos sa kanyang pananakit sa sheriff.

Giit ng alkalde, dalawang oras lang naman ang hinihingi niya sa sheriff na antayin siya para manguna mismo sa demolition.

Isinailalim naman ang alkalde sa imbestigasyon ng DILG.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply