Mayor Sarah Duterte pinadi-disbar na sa SC

IPINAGHARAP na ng disbarment case sa Korte Suprema si Davao City Mayor Sarah Duterte bunsod ng naganap na pananakit nito sa isang sheriff na nagsisilbi ng court order sa isang demolisyon sa Davao City noong Hulyo 1.

Ang disbarment case laban sa alkalde ay isinampa ni Atty. Fernando Perito, isang crusader para sa Lawyer’s ethics at lifetime member ng Integrated Bar of the Philippines.

Siya rin ang naghain ng disbarment case noong 2008 laban kay dating Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio nang tangkain nitong impluwensyahan ang kapatid na si dating Court of Appeals Justice Jose Sabio sa isang kaso sa pagitan ng Manila Electric Co. (Meralco) at Government Security Insurance System (GSIS).

Samantala, sinabi naman ni Supreme Court spokesman Midas Marquez na ang pagsasampa ng disbarment case laban sa isang abogado ay confidential, kung kaya’t tumanggi naman itong magbigay ng anumang detalye hinggil sa isinampang reklamo ni Perito.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Duterte nang upakan nito ang court sheriff na si Abe Andres kamakailan dahil sa hindi pinagbigyan ng sheriff ang hinihingi nitong dalawnag oras na extension para makausap muna ang mga residente ng Agdao District bago pa man ipatupad ang demolition order laban sa mga iligal na iskwater sa nasbaing lugar.

Nang magpang-abot sina Duterte at Andres ay nasimulan na ang demolisyon at may ilang residente ang nasaktan na siyang ikinagalit ng babaing alkalde at walang sabi-sabing sinapak ang sheriff.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply