Mayors Benhur, Win Gatchalian biased sa mga vaklushi

HABANG nagiging enterprising ang ilang product owners sa paglikha ng ingay sa kanilang mga produkto, tila tumitindi naman ang pagiging conservative ng mga hindi inaasahang magiging reaksyunaryong pulitiko.

Magkakampi ngayon sina Mayor Benjur Abalos ng Mandaluyong at Mayor Win Gatchalian ng Valenzuela na dapat ipatanggal na ang billboard ng National Rugby Team Philippine Volcanoes members sa Edsa Guadalupe. (Tinanggal na Benjie boy! – Ed)

Ang katwiran nila, hindi kaaya-aya sa mata ng mga bata ang pustura ng mga naka-underwear na kalalakihan na suot ang product ni Ginoong Ben Chan.

Nakatatawa, pero may katwiran naman na takaw-pansin ito. Pero bakit ngayon lang sila nagre-react? Samantalang dapat mas matakot sila sa mga kababaihang pumupustura sa naglalakihang billboard na mas nakadi-distract sa mata ng mga lalaking driver. Baka isiping bias lang sila kasi wala silang interes sa mga lalaking sexy.

Hindi lang dapat ipagbawal ang daring na kalalakihan, ipatupad ang pagbabawal sa lahat ng billboard sa mga lansangan, kahit hindi daring, nakadi-distract pa rin sa motorista.

Minsan nagiging sanhi pa ng mga disgrasya.

***

MAY reklamo na naman ang kampo ni Coco Martin dahil lumitaw na naman daw si Katherine Luna at muling inuungkat ang hindi pagbibigay ng aktor ng sustento sa naging anak nila.

Siguro naman obvious ang sagot diyan, mga tsong at tsang. May anak sila at sabi ng ina ay si Coco ang ama. Kaya umaasa siya na ito ang pagkukunan ng panggastos dahil hindi naman sa lahat ng oras ay may trabaho si Kat.

Kung tutuusin, simple lang ang solusyon diyan. Ipa-DNA test na ni Coco ang bata para malaman niya kung siya nga ang ama at matahimik na silang dalawa. ‘di ba naman?

***

MADALAS na tahimik ang direktor na si Quark Henares kapag ang paksa ay tungkol sa kanyang inang si Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Pero ngayong maugong na ang isyung pakakasal ang dalawa, kumibo na finally ang malumanay manalita na si Quark.

Unang tutol sa plano ay ang ama nina Crystalle at Quark na si Atom Henares. Sabi pa ng direktor, lahat halos ay ayaw sa plano ng ina. Pero bilang anak nga naman, kung saan maligaya si Dra. Vicki, hahayaan pa rin niya.

Kaya lang antindi ng sinabi ni Direk Quark. Patuloy niyang babantayan si Hayden at kapag muli nitong sinaktan ang kanyang ina, baka kailangan na raw niya itong patayin.

Ansakit man sa tenga, pero dama ang labis niyang poot sa mga pangyayaring likha rin naman ni Hayden. Kaya ang dating doktor ang dapat umunawa sa bantang ito.

Alam n’yo mga tsong at tsang… ito ang nagiging problema kapag masyadong ina-anunsiyo sa publiko ang mga sensitibong bagay tungkol sa kanilang buhay. Kahit tuloy sa pribadong usapan lang sana makikipag-ugnayan si Direk Quark para sa ina at kay Hayden… ay sa media na rin siya nakapagbibigay ng alanganing pahayag.

Pero hindi natin ito bibigyan ng katwiran kahit alam nating nasa tama si Quark. Kasi sa lipunang makatao, walang puwang ang karahasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply