Mayweather nanunog ng dolyar

NASA balag ng alanganin na naman si Floyd Mayweather matapos magyabang nang sunugin sa harap ng maraming tao ang $100 bill.

Ayon sa ulat, naganap umano ito sa isang Atlanta nightclub kung saan marami ang nakakita sa ginawa ng sikat na boksingero.

Sinasabing si Floyd ay nagsasaya kasama ang isang Lil Kim at isang Gucci Mane sa Velvet Room sa isang conflagration party.

Marami umanong inilabas nap era si Floyd mula sa kanyang bulsa at pitaka.

Nagulat na lamang ang mga tao nang kumuha siya ng isa sa mga ito saka nagpatulong sa isang lalaki para sunugin ito gamit ang isang lighter.

Itinatakda naman ng federal law na labag sa batas ang panununog ng pera.

Kung magpapasya naman umano ang federal government, maaaring maharap si Floyd sa anim na buwang pagkabilanggo o kaya’y mapatawan ng multa na nagkakahalaga ng $100 fine.

Subalit sinabi naman ng isang eksperto na madali umanong lusutan ang kaso dahil pupuwede namang pagmultahin lamang ang akusado dahil sa Georgia ay aabot lamang ng 19 oras ay kikitain na ito ng isang minimum wage earner.

Si Floyd ay sangkaterba na ang kasong kinakaharap kabilang na ang asuntong iniharap sa kanya ni Manny Pacquaio matapos nitong pagbintangan ang pambansang kamao na gumagamit ng steroids.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply