Mayweather tinabla na naman ng US court

AGAD ibinasura ni U.S. District Court Judge Larry Hicks ang isinampang emergency appeal ni Floyd Mayweather, Jr. sa kasong isinampa ni Manny Pacquiao laban sa kanya.

Si Floyd ay humihingi sana ng protective order para mapigilan ang kautusang court deposition na nag-oobliga sa kanya na dumalo sana sa hearing noon pang Hunyo 17, 2011.

Ayon sa korte, ang apela ni Mayweather o mosyon ay walang merito.

Ang deposition ni Mayweather ay noong pang June 17, 2011 sa Las Vegas, Nevada itinakda subalit dinedma ito ng boksingero.

Kinatigan ni Judge Hicks ang kautusan ni Magistrate Robert Johnston na nagbabalewala ng motion ni Mayweather para sa isang protective order. “Floyd Mayweather, Jr. still is refusing to show up for his deposition. He continues to defy the Court’s Order,” pahayag ng abogado ni Pacquiao na si Daniel Petrocelli.

Si Mayweather ay kinasuhan ni pound-for-pound champion at Congressman Pacquiao matapos siyang akusahan nitong gumagamit ng taking performance-enhancing drugs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply