MDPPA, malaki ang potensiyal ng motorsiklo sa Pinas

ANG Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA) ay samahan ng mga motorcycle manufacturer sa bansa na naglalayong palawigin ang industriya ng paggawa ng motorsiklo sa bansa at isinusulong rin ng grupo ang kaligtasan ng mga motorista sa kalsada (promoting motorcycle road safety).

Sa taong ito, isa sa mga pokus ng MDPPA ay alisin ang hindi magandang imahe o bad image ng mga motorsiklo sa bansa dahil sa mga kabi-kabilang nababalitang aksidente na sangkot ito.

Nitong nakalipas na buwan, nagtayo ng billboards ang MDPPA na may nakalagay na mga paalala tulad ng “Race in the Race Tracks and Not on the Streets” at pagsuot ng safety gear. Ngayon, Hulyo 30, nagsimula na rin silang mamigay ng Safety Riding Manuals sa kanilang Weekend Riding Advocacy.

Ayon sa presidente ng MDPPA na si Reynaldo Gener, target ng grupo na makabenta ng 820,000 yunit ng motorsiklo sa taong 2011 at 1 milyon naman pagdating ng 2013.

Base rin sa pagsusuri ng MDPPA, sa kasalukuyan ay may humigit kumulang 4.5 milyon ang raider sa bansa, na nangangahulugang isa sa bawat 34 na Filipino ay nagmamay-ari ng motorsiklo.

Mmula noong 2010, humigit kumulang 900,000 na yunit na ng motorsiklo ang nabenta at karamihan rito ay rehistrado sa Land Transportation Office (LTO). Katunayan, 80% ng rehistro sa LTO ay galing sa rehistro ng motorsiklo.

Ang mga kumpanyang kasapi sa MDPPA ay ang Honda Philippines Inc., Kawasaki Motor (Phils.) Corporation, Suzuki Philippines Inc., Eastworld Motor Industries Corporation, Yamaha Motor Philippines Inc., at Kymco Philippines, Inc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply